"Domino" lyrics

"Domino"

Matutupad ba ang hiling ko?
Para bang dominong tinayo
Pinitik palayo sa iyo
Hinihintay ang buwan hanggang dulo
Para bang dominong nilaro
Sana'y 'di mo na lang binuo

Humahagibis ang mga halik ng alaala
Bumabalik noong musmos pa tayong mga bata

Bakit pa ngayon kung kailan mapapasko? (Mapapasko)
Iniwan mo ako, naglaho parang multo
Bakit pa ngayon kung kailan mapapasko? (Mapapasko)
Pusong binigo, umasa lang sa iyo
Para bang dominong nilaro
Sana'y 'di mo na lang binuo

'Pagtatakpan, 'wag nang pahirapan
Para bang dominong gumulo
Isip binalibag, nalito

Sumasalakay na ang mga sandaling wala ka
Sabay sa pagkagat nitong lamig sa aking palad

Bakit pa ngayon kung kailan mapapasko? (Mapapasko)
Iniwan mo ako, naglaho parang multo
Bakit pa ngayon kung kailan mapapasko? (Mapapasko)
Pusong binigo, umasa lang sa iyo
Para bang dominong nilaro
Sana'y 'di mo na lang binuo

Aminin mo ano ba 'ko sa iyo?
Sabihin mo at kusa pang lalayo
Sa iyo, domino, domino

Bakit pa ngayon kung kailan mapapasko? (Mapapasko)
Iniwan mo ako, naglaho parang multo
Bakit pa ngayon kung kailan mapapasko? (Mapapasko)
Pusong binigo, umasa lang sa iyo
Para bang dominong nilaro
Sana'y 'di mo na lang binuo


You May Also Like
Orange & Lemons - "Kailangan Kita" Kay sarap pa naman ng gising ko Kay ganda pa naman ng timpla ko Heto ka dumarating, namamaalam Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin Sa loob-loob ko lang Kailangan kita Hindi kumpleto ang buhay ko...
Adie - "Paraluman" Sa unang tingin agad na nahumaling Sa nagniningning mong mga mata Ika'y isang bituin na nagmula sa langit Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi Sadya namang nakakabighani 'Di maipaliwanag ang...
Never The Strangers - "Wag Nating Sayangin" May mga araw at hating gabi Ubos kaiisip ng mga sandali Bawat daluyong pag tayo'y hiwalay Parusa ang dagit, ayoko nang maghintay Hindi ko alam kung ikaw Ang tinadhana sa akin Kung maligaw ang daan...
Jose Mari Chan - "A Perfect Christmas" My idea of a perfect Christmas Is to spend it with you In a party or dinner for two Anywhere would do Celebrating the yuletide season Always lights up our lives Simple pleasures are made special too...
Gracenote x December Avenue x Autotelic - "Summer Song" Eto na ang summer… Ang init, 'di mapakali Ang init, ano bang pwedeng gawin Ang init, kailangan bang mag-relax Ang init, 'wag ka nang mainip It's time to go It's time to go It's time to go It's time...