"Paano Sasabihin" lyrics

"Paano Sasabihin"

Ilang saglit sa isipan, biglang wala ka na
Ang panaginip ay hindi pala tunay
At pano maitatangi, hinahanap pala
Sana'y madama muli ang sandali

Paano sasabihin sa iyo
Ililihim ko pa ba
Paano kung mayroon ka ng iba
Malilihim ko pa ba

Nilalayo ang isipan, ayaw ng balikan
At bakit ba kay kulit, hindi naman maiwan
Ilang saglit sa isipan at parang kay tagal
Sana'y madama muli ang sandali

Paano sasabihin sa iyo
Ililihim ko pa ba
Paano kung mayroon ka ng iba
Malilihim ko pa ba

Paano sasabihin sa iyo
Ililihim ko pa ba
Paano kung mayroon ka ng iba
Malilihim ko pa ba

Paano sasabihin


Writer(s): Christian Blanca Renia