"P.S." lyrics

"P.S."
(feat. Jana Garcia)

Lagi bang hiram, maliligayang gising?
Buhos ng ulan, kapag hindi kapiling
Paghinto naman sa putik pupulutin
Sabi ng ilan, sarili'y huwag sisihin

Makakalimot ba sa along nanlilisik?
Sana'y 'di na lang sumubok pang sumisid
Bakit kung kailan natapos ng pumili
Dun manghihinayang sa bandang huli

Ipapaalala ko sa'yo
Ipapaalala ko sa'yo

Naranasan ko ang kulay ng paligid
Malingat ka lang ang buhay nasa bingit
Lason tandaan, ang isip ay alipin
Susundan hanggang ang hininga'y bawiin

At para sa iyo na lumalabang pilit
Parati kong dasal ang tunay na pag-ibig
Darating din ang tangi mong hiling
Umaapaw sa hindi mo mapipigil

Ipapaalala ko sa'yo
Ipapaalala ko sa'yo

Halika na, lumang mukha
Ipapaalala ko ang saya't lumbay ng pag-ibig
Uhaw nating labi, namumukod-tangi
Pawiin mo pang muli!

Bumabangon ka, sa dusa ba'y lalaya?
Ilang hakbang na lamang, muli ka bang aasang
Mundo'y magliliyab? Hindi mo rin tiyak?
Ang puso mong basag, muling magpapanggap

Hindi magsasawa, ikaw na mapalad
Ipapaalala ko sa'yo
Hindi magsasawa, tayong mapalad
Ipapaalala ko sa'yo

Ipapaalala ko sa'yo
Ipapaalala ko sa'yo

Huminga nang buong-buo
Huminga ka ng buong-buo!
Huminga nang buong-buo
Huminga ka ng buong-buo!


You May Also Like
Sugarfree - "Burnout" O, wag kang tumingin Nangg ganyan sa 'kin Wag mo akong kulitin Wag mo akong tanungin Dahil katulad mo Ako rin ay nagbago Di na tayo katulad ng dati Kay bilis ng sandali O, kay tagal din kitang...
Kamikazee - "Leon" Bahagyang susulyap Sa likod kumikislap Liwanag na yumayakap Humahaplos sa ulap Walang kasing sarap Dahilang ganap Ikaw ang aking tadhana Kapirasong langit ko sa lupa Tayo ay iisa Sa dibdib...
Typecast - "The Boston Drama" Standard pick-up lines that seems to wreck your bones Can this be a sequel of my dying hope? Chasing down a never ending make-believe But you're a perfect match of consistency Will you come back in...
Rico Blanco & IV Of Spades - "Nagbabalik" Hindi ko malimutan Hindi ko maintindihan Ano ang naisipan Tinapon na nakaraan Nagbabalik Nagbabalik Ang puso ko Muling iyo O bakit ang kulit ko Akala ko ba'y ayaw na Ngunit 'sang kalabit mo Ako'y...
Hotdog - "Kasi Naman" Mula pa nang una kitang makilala Natunaw na ang puso ko at umasa Nasanay ito na ang tunay na pag-ibig Na hindi magbabago Ngunit dumating ang araw na tayo 'Di nagkasundo dahil ako'y puro reklamo...