"Bitaw" lyrics

Jom & Crakky Lyrics

"Bitaw"

Sana noon ay hindi ka na lang dumating
Naniwala sa’yo ngayon ay palagi nang lasing
Lagi nang ginagabi at hindi ko na rin maiwasang sumindi
Alam ko na ang lahat wag ka nang magpaliwanag
Kahit san tingnan wala ring maliwanag
Hinihiling ko na sana magising na ako sa masamang panaginip
Bakit di mo sinabing meron palang nauna
Pa’no ako ngayong sayo ay napaibig na
Kaya kakaiba palagi ang kutob
Di ka din nagsasabi kung ano ang nasa loob
Ng isip mo kung bakit ako ang napili mong saktan

Kung nalaman ko lang na merong iba
Nagmamay-ari di na sana nangyari
Kung nalaman ko lang sana di na lang
Di na nilapitan at di ka pinayagan
Sa aking mundo

Bakit nga ba ko nagpapakatanga
Na kumapit kahit na may nadadawit na iba
At umasa pa ba meron pang pag-asang ako na
Habang naniniwala tama lang na mahalin kita
Ano ba? Habang tumatagal ay lalong umiinit
Yung sitwasyong ako lang yung mas lalong naiipit
Habang ikaw yung parang inaagaw ko ng pilit
Eto ako sinasalo lahat ng iniisip
Nila para sa akin di ko gustong was akin
Yung kayo kasi ikaw unang lumapit sa akin
Ang hirap lang sabihin na wala akong alam
Pero yun ang totoo di ko gustong mangielam
Huli na lang ng malaman kong kayo pa rin pala
At lahat ng salita nya ay kunwari lang pala
Pasensya kung ako pa yung isang naging dahilan
Kung bat lumabo’t gumulo yung masayang nakaraan
Di ko na dapat ipaglaban tanggap ko ng mali to
Tanggap ko ring di ka maniniwala sa sinabi ko
At sa iyo naman kung di mo na sya gusto
Di mo na dapat pinaabot pa sa sitwasyon na to

Kung nalaman ko lang na merong iba
Nagmamay-ari di na sana nangyari
Kung nalaman ko lang sana di na lang
Di na nilapitan at di ka pinayagan
Sa aking mundo

Kung nalaman ko lang na merong iba
Nagmamay-ari di na sana nangyari
Kung nalaman ko lang sana di na lang
Di na nilapitan at di ka pinayagan
Sa aking mundo


You May Also Like
Mac Mafia - "thank you." I just wanna thank you for everything Even though that I don't understand Why you do what you do, you say what you say At times I just feel like it's never okay And you always tell that one day I'll...
Lo ki - "ATBP." Sa ilalim ng takipsilim kung saan tayo ay naroroon Nakulong ng higit sa tatlong oras sa malameg na kahon Kamisetang pula ay bagay sayo lalo na at wala kang damit panloob Kakulay ng ilaw na dinaman...
Alisson Shore - "HOYA" Isinulat ko lahat ng naganap Para di malimot parang alamat Nilapatan ng tinig at puso bawat kataga't Ang pangalan mo ang aking gagawin na pamagat 'Kaw kahati ko sa Fita Katandem manood ng anime,...
The Juans - "Hatid" Sa pagitan ng simula't katapusan Matagal ko nang pinag-iisipan Bago mo ako tuluyang iwanan Ihahatid kita Kung mayroon akong natutunan Sa dami ng ating pinag-awayan Yan ay wala akong dapat patunayan...
CLR & Omar Baliw - "K & B II" Tulog ko ay laging hating gabi Simot ang oras hindi na 'ko nagtabi Yeah ang itinanim ay bumunga na't magdidiwang kami Mga tunay lang ang laging katabi Nasaan ka no'n nung iilan lang kami Yo! Konting...