"Tayo Parin" lyrics

"Tayo Parin"

Kahit saan man tayo dalhin, tangayin ng alon
Liparin sa himpapawid, ay tayo parin
Ano mang unos ang dumating
Wala ng magbabago sayo lang 'tong pagtingin
Dahil wala kang kapalit

Ang dami na nating pinagdaanan
Mga pagsubok nating nilabanan
Ng dahil sayo lahat nakayanan
Ikaw ang kayamanang hindi kayang bayaran
Kase wala ka ngang kapalit
Mula nung sa buhay ko ay dumating

Kaya salamat nandyan ka parin
Sa tabi ko at hindi ka umalis
Di mo 'ko iniwang mag-isa
At sinamahan mo ako mula nung umpisa

Pinatunayan mo rin na handa kang tumaya
Kahit na wala kang mapala
Basta magkasama tayong dalawa
Buti nalang merong nagpahalaga

Sa tulad ko kaya makakaasa kang
Ikaw hanggang pagtanda

Kahit saan man tayo dalhin, tangayin ng alon
Liparin sa himpapawid, ay tayo parin
Ano mang unos ang dumating
Wala ng magbabago sayo lang 'tong pagtingin
Dahil wala kang kapalit

Ang dami na nating pinagdaanan
Salamat di mo ako sinukuan
Kahit nahihirapan kana minsan
Di mo hinayaang ako'y talikuran

Paano kung ika'y umalis
At sa piling 'di na bumalik
Makakaya ko ba na matiis
Sa gabi na di kita katabi

Parang diko kayang mag-isa
Eh, mas lalong di ko kayang mawala ka pa
Nasanay na kase akong kasa kasama ka
Kahit san magpunta basta ba

Magkasama tayong dalawa
Buti nalang merong nagpahalaga
Sa tulad ko kaya makakaasa kang
Ikaw lang talaga

Kaya kahit saan man tayo dalhin, tangayin ng alon
Liparin sa himpapawid, ay tayo parin
Ano mang unos ang dumating
Wala ng magbabago sayo lang 'tong pagtingin
Dahil wala kang kapalit

Wala kang kapalit sa buhay kong to
Walang makakahigit sa katulad mo
At kahit san mang dako
Ay ikaw parin ang pipiliin at iibigin ko

Dumating man tayo sa puntong
Kabilang buhay na ang hadlang
Makakaasa kang pangako mo'y
Panghahawakan lang

Kalimutan man nating lahat ng
Dahil sa katandaan ngunit malabong
Makalimutan pano natin sinimulan

At may pag-ibig na palagi sating magpapaalala
Na bahagi ng istoryang binuo nating magkasama
At sayo'y di magsasawa hanggang sa mag ulyanen
Hanggang sa huling hininga ikaw lang ang mamahalin

Kahit saan man tayo dalhin, tangayin ng alon
Liparin sa himpapawid, ay tayo parin
Ano mang unos ang dumating
Wala ng magbabago sayo lang 'tong pagtingin
Dahil wala kang kapalit


Writer(s): Jr Crown
You May Also Like
6cyclemind - "Sandalan" Kanina pa kitang pinag mamasdan Mukha mo'y di maipinta Malungkot ka nanaman Kanina pa kita Inaalok ng kwentuhang masaya Parang sayo'y balewala Sandali nga Teka lang May nakalimutan ka Diba't pwede...
TJ Monterde - "Tulad Mo" Ano ang iyong pangalan Nais kong malaman At kung may nobyo ka na ba Sana nama'y wala Di mo ko masisisi Sumusulyap palagi Sa'yong mga matang O kay ganda o binibini O ang isang katulad mo Ay dina...
Geo Ong - "Breadwinner" Bakit ba ganito Tanong ko lang, mahalaga ba ako sa inyo Bakit parang ako lang ang may pasan nito Pamilya ko nga ba talaga kayo Sana'y, mahalin niyo rin ako, oh Lahat ay gagawin ko, ooh Para sa inyo...
8 Ballin' - "Hindi Naman" Akala ko dati ako ung problema Di naman pala, Araw araw ko na lang hinihiling ang mga dahilan kung bakit Wala ka nang nadarama pintuan at bintana pwede ba na ating isara Kahit sandali na lang Di na...
Emman - "Kung Pwede Lang" 'Di na kita nararamdaman Totoo bang nandiyan ka lang o sinabi mo lang Para nga naman gumaan mararamdaman ko sayo Umasa akong masasagutan Katanungang gumugulo sa kaisipan Sino na ang kakapitan at...