"Deliks" lyrics

"Deliks"

Hatinggabi na naman
Nagmamanehong mag-isa sa daan
At ang tangi ko lang na katabi
Ay ang isang bote ng alak
Na 'la kong balak bitawan
Gusto lang maliwanagan
Ba't ganu'n lang binitawan
Lahat ng pinanghawakan natin dati
Ano ba ang nangyari
Paano 'to nangyari lahat
Ohh hoh hoh...

Alam ko 'di ko naman dapat ginagawa 'to
Delikado
Alam ko 'di ko naman dapat nararamdaman 'to
Komplikado
Paano ko magagawa na bumitaw
Lingon sa kanan ikaw ang lumilitaw
Alam ko 'di ko naman dapat ginagawa 'to

Pero pa'no pa ba kita mabubura
Kung ang alaala natin
Ay dito na nakatira at tila ba
Parang lamat na 'di matakasan
Sa tuwing hawak ang manibela
'Kaw pa rin ang hinahanap
Ilan pa bang tungga ng alak
Ano pa ba ang dapat gawin ko
Para 'di na 'ko paikot-ikot pa
Nakakapagod maalala ka
Ohh hoh hoh...

Alam ko 'di ko naman dapat ginagawa 'to
Delikado
Alam ko 'di ko naman dapat nararamdaman 'to
Komplikado
Paano ko magagawa na bumitaw
Lingon sa kanan ikaw ang lumilitaw
Alam ko 'di ko naman dapat ginagawa 'to

Pero pa'no
Sa hinaba-haba ng kalsada
'Bat di ko magawang magsawang
Balik-balikan ang mga dinaanan natin nung tayo pa
Ang magkasabay na tumatahak
Ramdam ko sa 'king bawat apak
Ang hatak ng ating kahapon
Na di 'ko matapon-tapon
Oh pa'no ba

Alam ko 'di ko naman dapat ginagawa 'to
Delikado
Alam ko 'di ko naman dapat nararamdaman 'to
Komplikado
Alam ko 'di ko naman dapat ginagawa 'to
Delikado
Alam ko 'di ko naman dapat nararamdaman 'to
Komplikado
Paano ko magagawa na bumitaw
Lingon sa kanan ikaw ang lumilitaw
Alam ko 'di ko naman dapat ginagawa 'to
Pero pa'no
Pa'no makakabitaw
Kung ikaw pa rin at ikaw
'Di ko naman dapat ginagawa 'to
Delikado


You May Also Like
Arthur Nery - "o ninanais" Sino bang papalit sa isang walang katulad Oh hanap-hanap ka Kahit andito ka na nga Hmm Napapamahal sa 'yo at 'pag kasama Ka sa bawat pagpikit Sumasarap ang pag-ibig (Giliw ko, giliw ko) (Sana ay...
Magnus Haven - "Imahe" Kinukulayan ang isipan Pabalik sa nakaraan 'Wag mo ng balikan Patuloy ka lang masasaktan Hindi nagkulang kakaisip Sa isang magandang larawan Paulit-ulit na binabanggit Ang pangalang nakasanayan Tayo...
Parokya Ni Edgar - "Halaga" Umiiyak ka na naman Langya talaga, wala ka bang ibang alam Namumugtong mga mata Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa Sa problema na iyong pinapasan Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan May...
Adie - "Kabado" Hmm... Hmm... Hmm... Hahakbang palapit sa 'yo Kabadong hinahabol ang paghinga Baon ang mga salitang para sa 'yo lang Himig ng dibdib kumakabog dito sa silid Kung saan parang tayo lang At walang...
Emman - "Kung Pwede Lang" 'Di na kita nararamdaman Totoo bang nandiyan ka lang o sinabi mo lang Para nga naman gumaan mararamdaman ko sayo Umasa akong masasagutan Katanungang gumugulo sa kaisipan Sino na ang kakapitan at...