"BTNS" lyrics

The Juans & Janine Teñoso Lyrics

"BTNS"

Pilit kong inaalala aking nadama
Noong una kitang nakilala
Mga dahilan ngayo'y hinahanap
Saan nagsimulang ikaw na ang aking pangarap

'Di ko lang maamin na parang nakaligtaan
Ang dating saya at pag-ibig, 'di na mararamdaman

Pa'no bang ang noo'y puno ng kulay at kabuluhan
Ngayo'y walang hanggang dilim at palaisipan
Sinong sisisihin? 'Di alam ang sasabihin
Noo'y walang humpay ngiti sa'ting mga mata
Ngayo'y sa luha at lungkot, hindi makawala
Sinong sisisihin? Bakit 'to nangyari sa'tin?

Pa'no ba? Sino ba?
Ano ba? Bakit 'to nangyari sa'tin?

At bigla kong naalala mga salita
At pangakong iyong binitawan
Yumakap at humingi ka ng tawad
Ikaw ang naunang napagod sa pinaglalaban

Ngayo'y alam ko na kung bakit parang nakaligtaan
Ang dating saya at pag-ibig, 'di na maramdaman

Paano bang ang noo'y puno ng kulay at kabuluhan
Ngayo'y walang hanggang dilim at palaisipan
Sinong sisisihin? 'Di alam ang sasabihin
Noo'y walang humpay ngiti sa'ting mga mata
Ngayo'y sa luha at lungkot, hindi makawala
Sinong sisisihin? Bakit 'to nangyari sa'tin?

Pa'no ba? Sino ba?
Ano ba? Bakit 'to nangyari sa'tin?
Pa'no ba? Sino ba?
Ano ba? Bakit 'to nangyari sa'tin?

At kahit na manghingi ako ng tawad, 'di ko na maibabalik
At kahit na kumapit at yumakap, 'di ko na mauulit
Ang dati, ang dati, ang dati, ohh

Ang noo'y puno ng kulay at kabuluhan
Ngayo'y walang hanggang dilim at palaisipan
Sinong sisisihin? 'Di alam ang sasabihin
Noo'y walang humpay ngiti sa'ting mga mata
Ngayo'y sa luha at lungkot, hindi makawala
Sinong sisisihin? Bakit 'to nangyari sa'tin?

Pa'no ba? Sino ba?
Ano ba? Bakit 'to nangyari sa'tin?
Pa'no ba? Sino ba?
Ano ba? Bakit 'to nangyari sa'tin?
Pa'no ba? Sino ba?
Ano ba? Bakit 'to nangyari sa'tin?
Pa'no ba? (Pa'no ba?)
Sino ba? (Sino ba?)
Ano ba? (Ano ba?)
Bakit 'to nangyari sa'tin?

Pa'no ba? Sino ba?
Ano ba? Bakit 'to nangyari sa'tin?


Thanks to Predo for correcting these lyrics.
Writer(s): Carl Guevarra
"BTNS" stand for "Bakit 'To Nangyari Sa'tin".
This song was inspired by the film "Never Not Love You" (2018). Carl Guevarra explained, "I remember during this time I was asked to pitch a movie theme song, but all I had was a few lines and never really got to finish it."
Describing the collaborating with Janine Teñoso, Carl Guevarra said, "No one can argue that she's talented and a skilled singer, but we're blown away by her professionalism and hard work. I remember tons of times having to ask her to send revisions and she would revise, edit and send them right away even in the middle of the night. She's so passionate about her music and she really delivers!"
You May Also Like
SB19 - "Mana" Ay. Hindi ba mahiwaga, di mo kilala nung nasa lupa pa Ay. 'Ni walang alaala ika'y nangamusta, pusta ko singkwenta Ay. Ngayong nasa alapaap na, giit ako ay nagbago na Di mo ba ako nami-miss? oh yeah?...
Angela Ken - "Dagdag Na Alaala" Siguro nga mabilis ang panahon Parang dati ay nagkikilalanan lang noon At ngayon, higit pa sa magkakaibigan ang turingan Pinatibay ng taon ang ating mga samahan Mga halakhak nating sagaran, 'di alam...
mrld - "Maligayang Pagkunwari" Mahal kita 'wag kang magbago Sabihin ang lahat wag kang magtago Ng kahit pa ano ano ang sekreto Mahal kita pangakong 'di ako mabibigla Pero pa'no kung hindi ko kayang ilahad Ang mga salitang...
I Belong To The Zoo - "Never Me" If I told you not to go Would you trust me and never leave If I told you to stay with me Would that be something that would ruin your dream Sometimes I wish I was as selfish as everyone else So I...
Imago - "Sigurado" Malabo ang lahat Para bang nagbibiro na lang ang tadhana Pagod na sa kakatakbo Pero bakit parang nandito pa rin ako Umusad naman tayo Ilang araw pa ba ang bibilangin Naririnig kaya ang panalangin...