"Ikaw Ang May Sabi" lyrics

"Ikaw Ang May Sabi"

Ikaw na mismo ang may sabi
Na ako'y Iyong pinili
Saki'y una kang lumapit
Ako'y inibig Mo
Ako'y inibig Mo

Noo'y hirap pang maniwala
Pero sabi Mo, Ikaw ang bahala
Sa dami ng aking pagkakamali
Ako'y pinili
Ako'y pinili mo

Kaya pag Ikaw ang may sabi
Hesus sa Iyo'y hindi tatanggi

Dahil una Kang lumapit
At ang Iyong dala'y pag-ibig
Ako ay niyakap, pinatawad

Kasabay ng aking awit
Buong buhay aking nais
Hesus, ikaw lamang ang makita

Ako'y Iyong ipinaglaban
Hindi ni minsan binitawan
Sayo'y hindi nako lilisan
Pipiliin ko, ang pag-ibig mo

Dahil una Kang lumapit
At ang Iyong dala'y pag-ibig
Ako ay niyakap, pinatawad

Kasabay ng aking awit
Buong buhay aking nais
Hesus, ikaw lamang ang makita

Ngayon Sayo ako ay susunod
Ng walang alinlangan
Dahil sa Iyong pagmamahal
Hesus ako'y Sayo kailanpaman

Dahil una Kang lumapit
At ang Iyong dala'y pag-ibig
Ako ay niyakap, pinatawad

Kasabay ng aking awit
Buong buhay aking nais
Hesus, ikaw lamang ang makita