"Silong" lyrics

Issa Rodriguez & Kyle Juliano Lyrics

"Silong"

Bumubuhos ang ulan
At ikaw nanaman
Ang laman ng aking isip
Ang tangi kong panaginip sa gitna nitong bagyo
Ang init ng yakap mo ang hanap ko

Walang tigil ang pag-patak
Sinasabay ang pag-iyak
Dahil bugso nitong damdamin
Ikaw pa rin ang hangarin ng puso kong uhaw
Habang ulan ay tinatanaw, ang nais ay ikaw

Ooh, ikaw pa rin ang sigaw

Kaya buhos lang ulan at nang 'yong matakpan
Ang puso kong nanlalamig, sa'yo pa rin nasasabik
Kahit na alam ko na hindi na magbabago ang
Isip mong sumuko na bakit puso ko'y lumalaban pa?

Ang langit ay makulimlim
Paligid ay dumidilim
At sa ilalim ng mga ulap
Lamig ng hangin ang s'yang yayakap
Ako'y mananatili
Baka sakaling mahagkan kang muli

Dahil ooh, ikaw pa rin ang sigaw

Kaya buhos lang ulan at nang 'yong matakapan
Ang puso kong nanlalamig, sa'yo pa rin nasasabik
Kahit na alam ko na hindi na magbabago ang
Isip mong sumuko na bakit puso ko'y lumalaban pa?

Buhos lang ulan at nang 'yong matakpan
Ang puso kong nanlalamig, sa'yo pa rin nasasabik
Kahit na alam ko na hindi na magbabago ang
Isip mong sumuko na wala na bang pag-asa na
Kumapit kahit konti pa
Bumitaw na lang bigla-bigla
Ikaw ngayo'y malaya na
Ako ay nandirito pa
Ang isip mo'y sumuko na
Bakit puso ko'y lumalaban pa?

Ba't hanggang ngayo'y lumalaban pa?


You May Also Like
Autotelic - "Ikaw" Hanggang ngayon Patuloy ang pag-ikot Mga katanungang Wala pa ring sagot Halos libutin na Ang buong mundo At parang walang pagbabago Saan man mapunta Laging nag-iisa Nasa piling ng iba Ngunit ikaw...
Tandems '91 & Reese Lansangan - "Threads" Somewhere inside, maybe I'm still dancing in the corners of your head And the alleys of your mind Like a ghost of a moment Passing through the threads of time I'm still in love with the tiny dark...
Juan Miguel Severo - "More Than What We Are" Every night when I put up a fight with myself And tried to remember how To shove your thoughts away And forget those happy days with you I'm reminded of what you put me through The pain is mine as...
AJ Rafael - "She Was Mine" So, I hopped on a train, Three in the afternoon. I don't know when I'm coming back, But I hope that it's soon. See, I never thought, never thought That I'd ever leave your side, your side. It's only...
Fern. - "Into You" Girl, I wanna give you my heart Oh in exchange for your soul I'm falling for you darling I'm falling for your eyes, I know Infatuated baby, I need you in my life, I'm sure And you've become my...