"Luha Ng Buwaya" lyrics

KZ Tandingan & Gloc-9 Lyrics

"Luha Ng Buwaya"

Walang pake kung kami ay malunod sa baha
Basta lunod mga bulsa ng mga nakaw na biyaya
'Di mahihiya, pakapalan ng mukha
'Wag magpapaniwala sa mga luha ng buwaya

Nagbabadya na naman ang langit
Mag-angat na ng mga gamit
Sigaw ng tatay kong suot ang mga botas niyang punit
Batya-batya na naman ang tubig
Tagos sa mga butas ng bubong namin
Sana'y tumila na ang ulan bago sumapit ang dilim

Kasi 'pag lumalim
Sa'n kakapit ang mga kapit sa patalim?

Walang pake kung kami ay malunod sa baha
Basta lunod mga bulsa ng mga nakaw na biyaya
'Di mahihiya, pakapalan ng mukha
'Wag magpapaniwala sa mga luha ng buwaya

Isisigaw namin ang dapat madinig ng lahat
Tatalupan ng matalim ang huwad na pabalat
Bandila ng mga api ang dapat na iangat
Paulit-ulit na kwento iba lang ang pamagat

Ituturo silang ayaw na masundot sa mukha
Susukatin ang agwat ng mga meron sa wala
Kakahig ng isang daan nang maka-isang tuka
Titingala, umaasa na lamang sa himala

Lalakad sa kalsada na nakataas ang kamay
Bakit habang panahon na po kaming umaaray?
Mga hampas at latay sa likod na inuunday
Nagpapasalamat pa rin sa kaunting binigay

Mananaginip hanggang sa ito'y magkatotoo
Nakangiti habang ako'y nilalapastangan mo
Sinusunog pa rin nila kahit na puro abo
Na lamang ang naiwan at natira sa 'min dito

Lupa na sinilangan ang tanging pinipili ko
Kahit mahirap ang buhay ang siyang tanging hiling ko
Dumating ang araw na wala nang Pinoy na tuliro
Ang mga bata ay may kinabukasang hindi baliko

Walang pake kung kami ay malunod sa baha
Basta lunod mga bulsa ng mga nakaw na biyaya
'Di mahihiya, pakapalan ng mukha
'Wag magpapaniwala sa mga luha ng buwaya
Buwaya

Mga abot nila ay pwede kong makuha at kaya
Iyong karapatan na dapat hawakan ng malaya
Sa huli bakit parang tayo din ang siyang dumadaya?
Mga lasing nating iniinom ang luha ng buwaya


You May Also Like
Janine Berdin - "Mas Mabuti Pa" Minahal kita ng tunay Ngunit ang sabi mo ay hindi mo nadama Binigay ko ang lahat lahat Ngunit ang sabi mo hindi mo nakita Ayaw ko nang masaktan pang muli Sa piling mo Mas mabuti pang umiwas Mas...
Hale - "Kung Wala Ka" Natapos na ang lahat Nandito parin ako Hetong nakatulala Sa mundo, Sa mundo Hindi mo maiisip Hindi mo makikita Mga pangarap ko Para sa'yo, para sa'yo Ohh, Hindi ko maisip Kung wala ka Ohh, Sa buhay...
Callalily - "Magbalik" Wala nang dating pagtingin Sawa na ba saking lambing Wala ka namang dahilan Bakit bigla na lang nang iwan? Di na alam ang gagawin Upang ika'y magbalik sa'kin Ginawa ko naman ang lahat Bakit bigla...
Rob Deniel - "Ikaw Sana" Sa buhay natin Mayro'ng isang mamahalin, sasambahin Sa buhay natin Mayro'n isang bukod tangi sa lahat at iibigin nang tapat Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon Na para bang ika'y nilalaro ng...
Kyle Juliano - "Crashing" It's 2 AM but I'm still here, awake Your beautiful face keeps flashing on my mind I hear your voice and the way you say my name It's like reality and make-believe combined I recall the time when I...