"Tate" lyrics
"Tate"
(Yeah, hindi
Yeah, hindi nasulit mga oras ng ikaw ay katabi
Mag ingat ka diyan sa tate)
Palipad ka na sa sunod na buwan pa ibang bansa (pa ibang bansa)
Walang dahilan para pa maghiwalay yun lang ang banta (ohh)
Gusto kitang pigilan alam kong hindi lang ako may nadarama na ganito
Kahit pa pigilan mo at ngumiti lang 'di makapag sinungaling mata mo
Alam kong natatakot ka (natatakot ka)
Parehas lang tayo 'wag na nating itago pa
Sana dito ka lang kahit sa tingin ng iba sakin madamot na
Yung oras natin paubos na parang yosi kong paubos na
Ang bilis ng oras 'gang sa ngayon 'di ko pa rin lubos na
Nasulit mga oras ng ikaw ay katabi
Ilang oras lang ang tulog kakaisip kagabi
Alam ko na alam mong sa atin 'di to madali
Ang huli sayong sinabi ingat ka diyan sa tate
Nung despidida paghalik ko sayo agad akong nagbless kay tita (yeah)
Tumagay ng alak hanggang pulang kabayo sumipat
Kaya loob ko mala Chris at inaya ka ng lumabas
Meron akong gusto sayong sabihin ngayon na kailangan ko na to malabas
Bago pa tayo tuluyan paglayuin ng landas
Gusto ko siguraduhin mag ingat ka don at mas
Galingan mo sa iyong ginagawa
Naninibago at kinakapa ko pa kung pano ko ibababa
Aking bandera sa giyera kung nung una palang alam kong matatalo na
Pero 'di kita sinisisi kung pwede lang pabalikin ang oras kasi
Hindi nasulit mga oras ng ikaw ay katabi
Ilang oras lang ang tulog kakaisip kagabi
Alam ko na alam mong sa atin 'di to madali
Ang huli sayong sinabi ingat ka diyan sa tate
Hindi nasulit mga oras ng ikaw ay katabi
Ilang oras lang ang tulog kakaisip kagabi
Alam ko na alam mong sa atin 'di to madali
Ang huli sayong sinabi ingat ka diyan sa tate
- AZLyrics
- L
- La Mave Lyrics
You May Also Like
Kris Delano - "Sizza Baby" Kanina pa ko solo
Hinihintay ang tawag mo
Anong oras uuwi? Gustong tumabi
Kasalanan ba kung gusto kitang bigyan ng lambing?
Oh ang iyong halik, 'yong halik mong malamig
Talaga ngang mapagbigay kahit...
Hev Abi - "LIL SHWTY" Sa leeg mo markado na kita
Oh parang kalendaryo
Unang kapa ko basa ka na't iba
Mga galaw nagbabago
Sa kwintas ko humihila
Di mo madilat mga mata, mas masarap pag nakapikit
Binubulong mong mahina "wag...
Lo ki - "Munting Paraiso" Lagi ka na lang tumatakbo sa isip
Gusto kang makasama hanggang panaginip
Sumama ka halika na
Dadalhin kita sa munti kong paraiso
Tayo ay maglakbay habang tayo ay magkahawak ng kamay
'Di mapalagay...
Fern. - "GILIW" Sayong tabi
Ikaw ang kayakap
Kaw lang hinahanap hanap ko
Sayong tabi
O giliw
Di ko na kaya na bitawan ka
Ang nasa isip mo palagi girl ako
At kabisado ko na rin ang galaw mo
At kahit di ko mapangako...
JRoa - "Larawan" Tanging larawan, tanging larawan, tanging larawan mo
Tanging larawan, tanging larawan, tanging larawan mo
Tanging alaala mo na lamang bang tanging hawak ko
At ang mga matatamis na yakap at halik sa...