"Makayanan Ko Kaya" lyrics
"Makayanan Ko Kaya"
Bakit kailangan pang magkalayo
Ngayong nahulog na'ng damdamin sa'yo
Sinuyo ako, pinaibig, pinaasang di ka magbabago
Sinanay araw araw hinahanap lagi mga halik at mga yakap mo
Ngunit ngayo'y nagpapaalam ka na
Iiwan mo akong nag-iisa
Makayanan ko kaya ang limutin ka
Nasanay na kasama ka di biro ang iwasan ka
Kapag ako'y iniwan mo paano na ang puso ko
Ikaw lang ang inibig ko pangako mo iingatan ako
Di ko kayang mawala ka sa buhay ko
Mayroon na bang iba sa puso mo
Sabihin mo't di magagalit sayo
Ang puso kong tapat sayo sa simula hanggang wakas
Magtitiis pagsapit ng gabi wala ka dito sa aking tabi
Paano na ang buhay ko ngayon
Ako'y nag-iisa wala ka na
Makayanan ko kaya ang limutin ka
Nasanay na kasama ka di biro ang iwasan ka
Kapag ako'y iniwan mo paano na ang puso ko
Ikaw lang ang inibig ko pangako mo iingatan ako
Di ko kayang mawala ka sa buhay ko
May araw bang matatanaw, kapag wala ka na
Kapag ako'y iniwan mo
Makayanan ko kaya?
Makayanan ko kaya?
Makayanan ko kaya?
- AZLyrics
- L
- Lani Misalucha Lyrics