"Usok" lyrics

Shanne Dandan & Lo ki Lyrics

"Usok"
(from "The Escort Wife" soundtrack)

Isip mo'y unti-unting
Nawawala't nalilito
Ang tulad mo'y parang usok
Unti-unting naglalaho
(Unti-unting naglalaho)

Tanging hiling ko lang sa 'yo
Nakaraan ay tanggapin
At ang ngayon ay harapin
Ang bukas mo'y darating pa

Kaya't huwag sanang damdamin
'Pagkat ito'y payo lamang
Mula sa akin kaibigan
Na sa 'yo'y nagmamahal

Huwag mong sayangin ang panahon
'Pagkat ito'y may hangganan
Buksan mo ang pintuan
Kasama ng iyong puso

Tinangay na ng hangin
Ang masamang panaginip
Kaya't bigyan mo ng puwang
Ang puso mong nalulumbay

Isip mo'y unti-unting
Nawawala't nalilito
Ang tulad mo'y parang usok
Unti-unting naglalaho
(Unti-unting naglalaho)

Mga kutob na binalewala ko totoo pala (yeah yeah)
Sa galaw mo at kilos alam ko na may kakaiba (yeah yeah)
Lumipas ang mga araw ramdam kong 'di ka masaya
Kayakap ko ang 'yong katawan ngunit ang isip ay nasa iba

Hindi ko na namalayan, 'pag pumupunta 'ko ng bayan
Tsaka n'yo sisimulan ang inyong karumaldumal na kahalayan
Hindi naman kita pinabayaan (hey)
Ano'ng nangyari sa 'yo
Makapangyarihang ilusyon (maya)
Biktima lang din ako

Sa ginawa mo sa 'kin
Buhay ko'y gusto na lang wasakin
Tinangay na ng usok ang isipan
Sarili ko sa'n ko hahanapin

'Di tumatama yung alak ang bagal
'Yung puso ay gusto mamanhid kaagad
Mga alaala'y tinatabunan ng amat
Nararamdamang sakit para maawat

Tinangay na ng hangin
Ang masamang panaginip
Kaya't bigyan mo ng puwang
Ang puso mong nalulumbay

Isip mo'y unti-unting
Nawawala't nalilito
Ang tulad mo'y parang usok
Unti-unting naglalaho
(Unti-unting naglalaho)


You May Also Like
Munimuni - "Sa Hindi Pag-Alala" Kakalimutan na kita Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo Napagisipan mo na ba Dahil kakalimutan na kita Ito na Ito na Kakalimutan ko narin Mga sinabi mong wala palang ibig sabihin Pati narin...
Lola Amour - "Closer Than Before" Can we speak for a moment? Give me a minute or two My mind's been turning for hours about What we should but won't do You can tell me your secrets I promise I won't judge Pick you up on a Sunday...
Over October - "Never Stop" I've been tryna make, I've been tryna make time Gotta make up for moments that you've crossed my mind I've been waiting for, I've been waiting for you Finally found me a person who makes me feel the...
Fern. - "DREAMWALKER" Said I don't like the way she talks to me Like a prophecy Her face says it all Waste time for a minute, the worst time to let it, I'll waste time to get it all Too shy with a little bit of caution I...
Agsunta & Moira Dela Torre - "Kahit Kunwari Man Lang" 'Sang lihim ang pagtingin sa'yo Sa tago lang ang pag-ibig ko Dahil sa lihim hinding hinding hindi ka lalayo Ngayon na may nagpapaligaya na Sa lihim na lang binaon ang luha Pinilit pilit pilit maging...