"Eskapo" lyrics
"Eskapo"
(feat. John Roa)
(Kapayapaan sa sarili kailan ko pa ba matatagpuan
Araw-araw na lang ang pag-aalala parang wala na siyang katapusan)
Dumudugo ng luha ang mga mata pag ang puso'y sugatan
Gusto ko nang lumuha ng dugo, para ulo'y gumaan
Gusto ko nang matulog, bukas ipagpapatuloy ko na lang
Baka alam mo kung saan ang tamang daanan pakituro mo naman
Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan
Ng kasalukuyan, ang hinaharap ay pinangunahan
Pinarusahan nabilanggo sa nakaraan na kinamulatan
Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan
Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod, at inabot pa ng bagyo
Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko
Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko
Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto, nako po
Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot
Magdamag nasa isip, masasakit na hugot
Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog
Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot
Kaya...
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko na lang na mawala na
Huwag kang, magpapalimita sa iisang plano ('wag na 'wag, 'wag na 'wag)
Imbis na mainip pagisipan pa ng maigi kung pa'no (magdamag, magdamag)
Malimit mahilig magbilin sa ibang tao
Ngunit tila di ko masunod sunod ang sarili kong payo
Katahimikan nakahiligan, kapaligiran parang libingan
At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang
Naging pihikan sa pagibig, maging sa kaibigan
Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan
Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba
Kailangan ng pampakalma ayoko nang maalala ang pagaalala
Nakakawala ng gana, isip ay parang ibong lumilipad
Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad
Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot
Magdamag nasa isip, masasakit na hugot
Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog
Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot
Kaya madalas ay...
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko nalang na mawala na
Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap
Sakit sa ulo, ang sabi ng iba ito'y sakit sa utak
Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap
Bukas magkatabi na butas ng ilong may nakatakip na bulak
Balisong sa pulso, kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig
Pero parang gusto ko yung kumot nakapulupot sa leeg
Ang gulo ng buong daigdig, wala naman yatang gustong makinig
Mas masarap pang mamundok, o kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib
Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa parang kusang sumusuko ang katawan sa mga pasan na wala ng hupa
Para kang sa Alcatraz pumuga, sa taas ay nakakalula
Makaalpas ka man sa mga bara paglabas ay wala nang lupa
At kung makatakas ka man, mahal mo naman sa buhay ang sasakluban
Nakakabuwang, lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan
Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang to natagpuan
Nung ang makitid ko na pagiisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko nalang na mawala na
Writer(s): Marlon Peroramas, Jim Poblete, John Roa
- AZLyrics
- L
- Loonie Lyrics
You May Also Like
Ron Henley - "Iladnasanwakan" Bakit ba ayaw nila sayo? 'di ko alam
Mas gusto nila si Gumamela o 'di kaya si Santan
Tutol si tatay, si nanay, si ate, si kuya, pati mga kapitbahay
Madaming nagsasabi sa akin sa aming 'di raw tayo...
Geo Ong - "'Wag Ako" (You ready for this)
'Wag ako 'wag ako, iba na lang
'Wag ako 'wag ako, iba na lang
'Wag ako 'wag ako, iba na lang
Hinding-hindi mo 'ko malilinlang
'Wag ako 'wag ako, iba na lang
'Wag ako 'wag ako,...
Bawal Clan - "Headshot" They cannot take my soul
But they tryna take my body
Fuck governments, we ridin
No justice, no peace, we wildin'
Hear them sirens at my door
Now way they gonn' take my family
We out way before they...
Skusta Clee - "Dance With You" Ako'y lasing na kanina pa
'Kala mo ba 'di ko napapansin na nakatitig ka sa'king mata
Ba't kung makatingin ka sa'kin parang may balak ka
Gusto mo bang tanungin alukin ako ng alak pa
The way you look...
Kris Delano - "Smoke Break" Pag sobra ng pagod, mabigat na ang mata
Utak kong mapaglaro, gusto lang magpahinga
Gusto ko lang ay mag smoke
Gusto ko lang ay mag smoke
Pag sobra ng pagod, mabigat na ang mata
Utak kong mapaglaro,...