"Pabaya" lyrics
"Pabaya"
(feat. La Mave)
(Minsan wala kang kailangang gawin upang may mawala
Minsan kailangan mo lang maging pabaya)
[La Mave:]
Hindi alam na dito tayo dadalhin
Nang dahil sa'kin at sa gusto kong gawin
Sa mga plano ko naman andun ka rin
Pero ako'y pabaya at 'di ko napansin
Na dahan-dahan kang nawawala
Napagtanto ko rin kung gano ka kahalaga
Kaso pano sa'yo sasabihin ang nadarama
(Pano sasabihin)
Kung wala ka na
(Pano aaminin)
Kung sawa ka na
Ang hirap pa ring tanggapin
[Loonie:]
Palaging napapaisip
Ng mga malalim na salamisim
Mas nanaising sa panaginip ka makapiling
Kasi wala ka naman pagkagising
Mga tripping 'di maeksplika
At least' di ba?
Kahit na-miss kita tinitiis kita
Mula tayo ay mag-split
Mala-mystica
Ngayon na lamang talaga kita na-aprishita
'Di ko pa rin matanggap ang lahat ng pangyayari
Ngunit kailangang harapin ang hagupit
Panginoon na lang ang makakapagsabi kung ako ay tatanggapin mo pa ba ulit
'Di na kaya ang lamig tagos na sa buto ko
Diyos ko po!
Nais kong malaman ano ba ang totoo
Pinangako ko sa'yo ang mundo ngunit 'di ko tinanong kung ako lang ba gusto mo
Magaling sa simula ngunit walang natupad
Kaya nagsawa ka sa mga pangakong huwad
Aminadong pabaya masahol pa sa duwag
'Di ka nawala, matagal na 'kong bulag
Kasi kampante akong ika'y babalik
Kaya parang asong tapa ako' y nag-abang
Ngunit 'di pala sapat na mahal mo lang kung hindi mo pala kayang maiparamdam
[La Mave:]
Hindi alam na dito tayo dadalhin
Nang dahil sa'kin at sa gusto kong gawin
Sa mga plano ko naman andun ka rin
Pero ako'y pabaya at 'di ko napansin
Na dahan-dahan kang nawawala
Napagtanto ko rin kung gano ka kahalaga
Kaso pano sa'yo sasabihin ang nadarama
(Pano sasabihin)
Kung wala ka na
(Pano aaminin)
Kung sawa ka na
Ang hirap pa ring tanggapin
Kung mababalik ko lamang ang nakaraan
'Di na ba 'ko dapat pang mag-alangan?
Para ayusin bago pa 'ko mawalan ng oras na daoat sa'yo nakalaan
(Hindi alam)
At 'di alam na dit tayo dadalhing dalawa, akala ko lahat ng 'to ay madali
Kaya inaaming malamig mga gabi
Na wala ka at ang dapat na gawin ay tanggapin ko na lamang
[Loonie:]
Nakakamiss yung mga galit mong kunwari lang pala
Mga simple mong mensahe na "kumain ka na ba?"
Subalit napakatanga ko talaga lalong lalo na pagdating sa pagpapahalaga
Sana pala dati pa lamang ay alam ko na
Na kahit anong gawin ko'y walang makabura
Sa mga alaala natin at napatunayan ko yan kahit saang lugar ako makapunta
Mga text mo dating binabasa ko lang basta
Paghihintay mo sa'kin kahit na antok ka na
Sabay tayong kumain, magkatabi sa sofa
Mga swabe mong masahe sa'kin kait pagod ka
'Di ko akalaing magiging ganto
Pakiramdam ay parang naghihingalo
Sa wakas alam ko na ang sasabihin sa'yo
Kaso wala na kong karapatan na sabihin ito
Hinayaang lumisan kahit hindi kayang iwanan
Sanay akong nandyan kaya di naingatan
Puno aking kamay magkabilaan
Sa dami ng aking dala ikaw ang nabitawan
Ginagawa ko naman lahat ngunit alam mo ba kung ano pinakamasakit?
Kung para talaga sa'tin ang aking ginagawa bakit parang tayo rin ang kapalit
[La Mave:]
Hindi alam na dito tayo dadalhin
Nang dahil sa'kin at sa gusto kong gawin
Sa mga plano ko naman andun ka rin
Pero ako'y pabaya at 'di ko napansin
Na dahan-dahan kang nawawala
Napagtanto ko rin kung gano ka kahalaga
Kaso pano sa'yo sasabihin ang nadarama
(Pano sasabihin)
Kung wala ka na
(Pano aaminin)
Kung sawa ka na
Ang hirap pa ring tanggapin
Thanks to El1j4hKn1ght for adding these lyrics.
- AZLyrics
- L
- Loonie Lyrics
You May Also Like
Gloc-9 - "Walang Natira" Napakaraming guro dito sa amin ngunit
Bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila Gusto kong (Yumaman )
Nagaabroad sila
Gusto kong...
Lo ki - "Bumalik" Ahh...
Kahit masakit bumalik ka na lang
Kahit sandali basta makita ka lang
Bakit umalis ka nang 'di ko alam
Pero kahit masakit bumalik ka na lang
Kahit masakit bumalik ka na lang
Kahit sandali...
1096Gang - "Byahe" Buong akala ko noon hindi kona magigiba
Tigas ko na kokote diko na maiiba
Andaming pangyayaring pwede ko ikawala
Yeah salamat sa mga kaibigan ko at musika
Nagsilbing gabay, sa tuwing lutang ang isip...
Kris Delano - "Kalmado" (Mark beats)
Kalmado lang ako pero pare gago to
Kalmado lang ako pero pare gago to
Kalmado lang ako pero pare gago to
Pare gago to pare pare gago to
Nag iisa sa gilid napapaisip
Taginaw na panahon...
Mayonnaise - "Kapag Lasing Malambing" Meron akong sasabihin
Makinig kayong lahat
Importante na malaman
Nyong sikreto nilang lahat
Sila'y pare pareho
Sinong may pakana
Magugulat ka na lang
Bigla ka ng madadapa
Ngayon bukas nanaman
Ang...