"Palaisipan" lyrics
"Palaisipan"
(feat. Arthur Nery)
Sa palaisipan ba tayo dapat nagsisimula
Baby pakiusap
Kung magpapakilala sana
Pwede bang idaan mo lahat sa hawak?
Naligaw lang sa dinami-dami
Ng mga
Pasikot-sikot sa'yong katawan
Sana lang ay mapadaan
Nabulag sa'yong mga kurbada
Nabudol sa mga usapang walang kontrata
Harutan hanggang sa abutan ng umaga
Walang sagot sa katanungang "Tayo nga ba? "
Aruy!
Kung ayaw masaktan wag nang umasa
Nagbabakasakali lang na tsumamaba
Mga dasal sa Maykapal sa sana gumana
Kaso madalas sila ni Satanas ang magkakuntsaba
Matagal ko na 'tong pinapanalangin
Na ika'y tuluyang mapaibig sa'kin
Ngunit ako'y parang dagang dinagit lang ng lawin pinaglaruan tapos pinakawalan rin
Tinig ay tahimik, isip ay malalim
Hirap lang basahin, tila Baybayin sarili kong lengwahe ng pag-ibig ay pag-amin ikaw ginawa mong sining ang pagiging sinungaling
Kung magpapakilala sana
Pwede bang idaan mo lahat sa hawak?
Naligaw lang sa dinami-dami
Ng mga
Pasikot-sikot sa'yong katawan
Sana lang ay mapadaan
Ano ba talaga tayo?
Para lang klaro
Kailangan kong malaman kung mahal mo pa ba'ko
Naglalaro ka lang ba o nananarantado
Kasi nakita ko kahapon may kasama kang bago
Ayoko nang umasa sa mga usapang malabo
Parang gamu-gamong nadarang at napaso
Nadala at mas lalo lang nawala at naglaho
Ang mga balak at plano
Nagmukha pa'kong gago kaya walang mga pangako puro para-paran
Laging telebabad kahit walang tawagan
Araw-araw normalan kasi para pa saaa
Ang mga sumpaan kung wala namang karapatan
Ibig kong maliwanagan
Wag mo sanang diliman
Kapaan parang magkasintahan sa sinehan matinding palaisipan
Sa dami ng pasikot-sikot
Nagkakasalisihan
Kung magpapakilala sana
Pwede bang idaan mo lahat sa hawak?
Naligaw lang sa dinami-dami
Ng mga
Pasikot-sikot sa'yong katawan
Sana lang ay mapadaan
Oras at konting espasyo lang ang kailangan nating dalawa sa ngayon
Ngunit parang di naman 'to hadlang
Palapit na tayo sa kalawakan
May dalawang magkasintahan
Sa taas ng bundok nagkasundong
Tapusin ang buhay nilang malungkot
Hindi na masaya sa kama hanap na ay tuldok
Usapan ay sabay silang
Tatalon sa tuktok
Sabi niya Magtiwala ka lang
Sa'kin mahal ko talon tayo ng sabay
Pagbilang ko ng tatlo kaso lang ang problema
Pagkatapos n'yang bumilang
Siya lang ang tumalon si babae nagpaiwan
Habang nakatingin
Sa kanya nakangiti
Lang ngunit biglang nagulat ang babae
Nang nakitang
Nakangiti din si lalake habang pababa siya
Sabay biglang buka ng dambuhalang parakayda
Ngayong sinong mas taksil sa dalawa
Sino ang mas tuso?
Sino ang mas tanga talaga?
Yung lalake ba na may dalang back-up plan?
O yung babae na wala s'yang balak back-uppan?
Writer(s): Marlon Peroramas, Arthur Nery, Yung Bawal
- AZLyrics
- L
- Loonie Lyrics
You May Also Like
OLG Zak & Realest Cram - "IKAW SANA" Sa daming tumatawag, boses mo parin ang gustong marinig
Wag kang manghinayang kasi 'di ka nakinig
Sa tingin nila yung puso ko ay malamig
Pero 'di nila alam yung dahilan kung bat naging
Ikaw sana,...
Jr Crown & Thome - "Tinotoyo" Alam mo kasi na mahal kita
Kahit na ganyan ka kahit na sobra na
Paminsan minsan nakakairita
Nakakasawa na lakas na tama kapag tinopak ng toyo
Biglang mang aaway ka ng walang dahilan tapos sayo...
Kyle Zagado - "Pinay Na Sobrang Fine" Mmm, yeah
Ganda mo na babae
Tunay na pilipina hanap ng mga lalake
Sa halik ay parang gusto ko na sayong umatake
Pero ang gusto ko sayo ay agad kang bumabawe
Wag kang aalis
Sa mata'y matamis
Ang yong...
Lo ki - "Di Ko Alam" Ang saya siguro kung nandito ka lang
Yun na pala yung huli hindi ko alam
Ang saya siguro kung nandito ka lang
'Di ko alam (yeah, yeah)
Ang saya siguro kung nandito ka lang
Yun na pala yung huli...
Kris Delano - "Kalmado" (Mark beats)
Kalmado lang ako pero pare gago to
Kalmado lang ako pero pare gago to
Kalmado lang ako pero pare gago to
Pare gago to pare pare gago to
Nag iisa sa gilid napapaisip
Taginaw na panahon...