"Pagkakaibigan" lyrics

"Pagkakaibigan"

Bakit ba ganito ang aking pakiramdam
Ayaw kong mabigo, ayaw kong makialam
Masaya na kayo sa isa't isa diba?
Bakit ang hirap lumayo sa'yo sinta?

Nagkakilala sa hinding inaasahang panahon
Nalaman ko ang iyong pangalan, at iyo'y nagkaroon
Ng lugar sa puso kong
Ikaw lamang ang tinitibok hanggang ngayon

Nakakainis kasi, wala ka namang ibang ginagawa
Kundi maging sanhi ng aking mga tawa at ngiti
Walang iba, walang kapalit
Pangarap na ika'y kayakap sa tuwing malamig

Ngunit, subalit, datapwat katotohana'y masaklap
Babae na pinapangarap, may iba palang pangarap
Kahit may iba kang hanap, ay ikaw pa rin ang hanap
Kahit may iba kang balak, ikaw lang ang binabalak kong

Mahalin kahit alam kong masakit
Pero kahit papa'no ay itong pag-ibig ko ang mas higit
Pa sa sarili kong kapakanan
Mahal pa rin kita kahit iba ang s'yang nakalaan

Bakit ba ganito ang aking pakiramdam
Ayaw kong mabigo, ayaw kong makialam
Masaya na kayo sa isa't isa diba?
Bakit ang hirap lumayo sa'yo sinta?

Takot na baka ako ay malimutan
Dahil sa isang lalaki na hindi ko kayang tumbasan kahit kailan
Hindi ko maitindihan, kung ba't sa tulad nya ika'y sumama
Nagtatanong sa sarili kung ano'ng problema

Di ko maipaliwanag lahat ng nangyari
Isang saglit, ika'y andyan, tapos balewala rin
Lahat ng panaginip na pinagpaliban
Tanging dasal ko lamang sana ako ay magising sa katotohanan

Na walang ikaw at ako
Pasensya na, pagkat hindi ko inasahan
Ang lahat ng ito
Ako'y nahulog, nabulag sa kung anong totoo
Pasensya na, kung hangad kong maging ikaw at ako

At ngayon ikaw ay nasa piling na ng iba
Ako naman ay syang di makalimot sa'yo sinta
Pilit binubura ang ala-alang naipinta
Ngunit di magawang umiwas sa inyong dalawa

Bakit ba ganito ang aking pakiramdam
Ayaw kong mabigo, ayaw kong makialam
Masaya na kayo sa isa't isa diba?
Bakit ang hirap lumayo sa'yo sinta?


Thanks to Skylar for adding these lyrics.