"Usok" lyrics

"Usok"

Gulong-gulo ang isip
Nakaupo sa gilid
Naghahanap nalang ng paraan na makahirit
Gustong-gustong ipilit
Wala paring masilip
Takot na baka humantong nalang sa pagkaidlip
(Makasindi na nga lang)
Makasindi na nga lang
Baka sakali na umayos pa ang sarili
(Makasindi na nga lang)
Makasindi na nga lang
Baka sakaling tumino mula sa pagkawili

Di makausad, di makasulat
Palagi nalang nakaasa sa bukas ang bagay na nais iulat
Gusto ko man na mamulat, di magawang makiusap
Ano bang kailangan upang itong mga ideya ko ay sumambulat
Nanlalamig ngayo't hindi alam kung pa'no ba
Ipahiwatig ng mabuti ang aking nadarama
Di ko na alam kung alin ba ang mas mahalaga
Hay nako, hindi ko na alam kung sa'n 'to papunta

Makasindi na nga lang, tila ba dami pang alinlangan
Di man kailangan, di maiwasan, babalik pa ba sa nakasanayan, uh
Gusto ko man na iwanan, tila baon pa rin kahit labanan
Di nakayanan, pinapagapang, madalas di nalang dinadamayan, uh
Pa'no ba babangon kung baon pa sa kahapon
Tila ba kinalimutan nang imulat nung naglaon, uh
Yeah, yeah, yeya
Tila ba kinalimutan nang imulat nung naglaon, uh

Gulong-gulo ang isip
Nakaupo sa gilid
Naghahanap nalang ng paraan na makahirit
Gustong-gustong ipilit
Wala paring masilip
Takot na baka humantong nalang sa pagkaidlip
Makasindi na nga lang
Makasindi na nga lang
Baka sakali na umayos pa ang sarili
Makasindi na nga lang
Makasindi na nga lang
Baka sakaling tumino mula sa pagkawili

Gulong-gulo ang isip (makasindi na nga lang, tila ba)
Nakaupo sa gilid (dami pang alinlangan, di man kailangan)
Naghahanap nalang ng paraan na makahirit
(Di maiwasan, babalik pa ba sa nakasanayan, uh)
Gustong-gustong ipilit (gusto ko man na iwanan, tila baon parin)
Wala paring masilip (kahit labanan, di nakayanan)
Takot na baka humantong nalang sa pagkaidlip
(Pinapagapang, madalas di nalang dinadamayan, uh)
Makasindi na nga lang (pa'no ba babangon kung baon)
Makasindi na nga lang (pa sa kahapon, tila ba)
Baka sakali na umayos pa ang sarili (kinalimutan nang imulat nung naglaon, uh)
Makasindi na nga lang
Makasindi na nga lang (tila ba)
Baka sakaling tumino mula sa pagkawili
(Kinalimutan nang imulat nung naglaon, uh)

(Pa'no ba babangon kung baon pa sa kahapon
Tila ba kinalimutan nang imulat nung naglaon, uh
Yeah, yeah, yeya
Tila ba kinalimutan nang imulat nung naglaon, uh)


Writer(s): Scott Wilson G. Divinagracia
You May Also Like
Iyaz - "Pretty Girls" So many different flavors So many shapes and sizes You coming with me and you going with Iyaz No surprises, I put it all on the table for you Nothing is too taboo, I'm ready, willing and able for...
Maximillian - "Ripples" So many ways to say goodbye Too many godforsaken lies Still, I'm stuck here thinking why you'd give me this Heartbreak, I'll never mention again But love, listen I hope you think about me when...
Nik Makino - "ABKD" Saakin ka sumama ikaw lang at ako Mundo mong madrama kalimutan na naten yan oh Saakin ka sumama libutin ang buong mundo Sayo akong bahala kumapit ka lang oh Ikaw oh ikaw oh ikaaaaw Ikaw ang gustong...
Matthaios & Dane Amar - "Windowpane" Matthaios be wonderin' I said "baby girl, how is you living? what's up?" If you're down we could see the world and find the true meaning of love If you're with it, girl, let me know Let's just take...
Clara Benin - "Wine" You are the one that I loathe A lump in my throat A bit too much to swallow But I can't seem to spew you out Cause every time you're around I lose sight of the ground I feel like I'm bound to fall...