"habangbuhay pansamantala" lyrics

"habangbuhay pansamantala"

Nakakainis ka
Ba't ba ang bilis kong tumiklop?
Konting iyak, konting tampo
Nalulula ang puso ko, wala
Umiikot na muli ang mundo
Nakakapikon na
Pinakilala ka pa ng tadhana
Kung kailangan ko rin palang
Kalimutan pangalan mo (Pa'no 'yan?)
Tumitigil umandar utak ko

Nananahimik yung tao
Ginulo mo ang mundo ko
Na para bang 'di mo ako kilala
Na para bang pababayaan kita

Sino ba naman 'di mahuhumaling?
Mga tala sa iyo nakatingin (Bakit ba gustong-gusto kita?)
Tatlong linggo, tatlong salita, 'di makapaniwalang (Sasabihin sa akin)
Ikaw ang aking hiling
Na matagal ko nang hinintay
Ngayon lang nakita ang gan'tong kulay
Ako ba'y habang buhay pansamantala?

May sumpa ba ang pusong laging nakabukas?
Sa sarado mong labi, ba't hindi mo masabi na
Sapat magustuhan?
'Di sapat mapanindigan
Hindi ba 'ko kasugal-sugal?

Nananahimik yung tao
Ginulo mo ang mundo ko
Na para bang 'di ka aalis
Na parang 'di mo matitiis

Sino ba naman 'di mahuhumaling? (Oh)
Mga tala sa iyo nakatingin (Bakit ba gustong-gusto kita?; Gustong-gusto kita)
Tatlong linggo, tatlong salita, 'di makapaniwalang (Sasabihin sa akin)
Ikaw ang aking hiling
Na matagal ko nang hinintay
Ngayon lang nakita ang gan'tong kulay
Ako ba'y habang buhay pansamantala?

Nanghihina ang buong pagkatao ko
Pagdating sa iyo (Habang buhay pansamantala)
Nanghihina ang buong pagkatao ko
Sige na, pwede bang ako na lang?

Nananahimik yung tao
Ginulo mo ang mundo ko
Na para bang makakasama kita
Na 'di pansamantala

Sino ba naman 'di mahuhumaling? (Ooh)
Mga tala sa iyo nakatingin (Bakit ba gustong-gusto kita?; Ooh)
Tatlong linggo, tatlong salita, 'di makapaniwalang (Sasabihin sa akin)
Ikaw ang aking hiling (Ikaw ang aking hiling)

Na matagal ko nang hinintay (Nanghihina ang buong pagkatao ko)
Ngayon lang nakita ang gan'tong kulay (Pagdating sa iyo, habang buhay pansamantala)
Nanghihina ang buong pagkatao ko (Na para bang 'di mo ako kilala, na para bang pababayaan kita)
Sige na, pwede bang (Na para bang makakasama kita, habang buhay pansamantala)
Ako na lang?


Writer(s): Ralph William Datoon
You May Also Like
Wilbert Ross - "Sa Liwanag Ng Buwan" Ngayon mo sabihin na Hindi na talaga Hawak ang iyong kamay Ikaw ang kasabay sa ilang taon ng aking buhay Tanaw ko ang saya sa 'ting mukha Yung tipong tayo laban sa lahat ng bumangga Kailan nabawasan...
Rob Deniel - "Bakit Ngayon Ka Lang" Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon kung kailan ang aking puso'y Mayro'n nang laman? Sana'y nalaman ko Na darating ka sa buhay ko 'Di sana'y naghintay ako Ikaw sana ang aking yakap-yakap Ang iyong...
rhodessa - "ano na?" 'Di ko nasulit 'Di ko inakalang Paulit-ulit Umiikot na sa kama Tuliro Magulo Ang takbo Ang bilis Ba't gano'n lang Nangyari sa 'ting dalawa Ano ba Ano ba Ano ba Ano ba tayong dalawa Naghintay lang...
Arthur Nery - "Segundo, Siguro" Yakap ka na lang, 'pag aalis ka na 'Di na kailangan na pag-usapan pa Kasi ibang daan ang 'yong nais na tahakin Ang alam ko ay ang sa'tin lang Kahit sa pagbitiw, ang pakiramdam ko'y Gumagaan sa init...
Amiel Sol - "Ikaw Lang Patutunguhan" Minamasdan na naman ang kawalan Ako'y hinahatid ng mga bituin sa 'yo Sa'n man maglayag Ikaw lang patutunguhan At sa aking pagdating Sa 'yo ko lang sasabihing Kay palad na ikaw Ang kapiling ko sa...