"Hibang" lyrics

"Hibang"

Lumiliwanag aking mata sa may dilim
Ikaw pa rin sinta ang aking pinakalihim
Natatakot, naiinis, nanginginig
Sa tuwing naaalala kong tutol sa'tin ang daigdig

Di naman ako OA, pero hirap nang huminga
'Pag iniisip kong nahahagkan ka ng iba
Magkukulong na lang sa loob ng kwarto ko
Paiiralin ang imahinasyon sa kabilang mundo

Pakiusap, pakiusap, pakiusap
(Nakikinig ka ba?)
Di na uulit, di na uulit, di na
(Pasensya na)
Umiiling, umiiling, umiiling ang mga tao
"Nahihibang ka ba?"
"Siguro nga, para lang sa'yo"

Pipiliing maniwala sa hindi totoo
Para lang makasayaw ko ang iyong anino
Iilagang makalaya sa delusyong ito
Kung hindi baka ako'y maglaho
Habang-buhay sabi mo, ikaw at ako
Pinanghahawakan ang lahat ng 'yong pangako
Iilagang makalaya sa delusyong ito
Kung hindi baka ako'y maglaho

Oh, oh, oh

Nasasaniban nanaman ako ng pagkahumaling
Sa mga bagay na kinakailangang hingan ng paumanhin
Naubos yata ang lahat ng katalinuhan
Magmula ng makilala'ng dadala sa'king kamatayan

Di naman ako OA, sana ay mamatay na siya
Para sa wakas, mahagkan na muli kita
Magkukulong na lang sa loob ng kwarto ko
Paiiralin ang imahinasyon sa kabilang mundo

Pipiliing maniwala sa hindi totoo
Para lang makasayaw ko ang iyong anino
Iilagang makalaya sa delusyong ito
Kung hindi baka ako'y maglaho
Habang-buhay sabi mo, ikaw at ako
Pinanghahawakan ang lahat ng 'yong pangako
Iilagang makalaya sa delusyong ito
Kung hindi (hindi!) baka ako'y maglaho

Oh, oh, oh

Paulit-ulit, lumalapit
Ikaw pa rin 'gang sa huling saglit
Umaapaw ang damdamin
Kung di ikaw, di tatanggapin

Paulit-ulit, lumalapit
Ikaw pa rin 'gang sa huling saglit
Umaapaw ang damdamin
Kung di ikaw, di tatanggapin

Pakiusap, pakiusap, pakiusap
Nakikinig ka ba?
Di na uulit, di na uulit, di na
Pasensya na
Umiiling, umiiling, umiiling ang mga tao
"Nahihibang ka ba?"
"Siguro nga
Para lang sa'yo!"

Putangina, ang lakas ng tawa ko!
Rawr!


Writer(s): Mariah Deborah
You May Also Like
Syd Hartha - "damdamin!" Kay gandang tanawin, ang sarap pagmasdan 'Di madaling maakit, sadyang gan'to sayo lang 'Di ko man alam kung sa'n pa tayo dadalhin Kung 'di man mapapa-sa akin habangbuhay Ay mapalad pa rin Hayaan mo...
Dilaw - "3019" Kahit nakapikit mata, naririnig kita Kahit nakatakip tainga, nakikita kita Hindi ako perpekto katulad ng iba Pero kahit naka Pinapaikot ng mga lumot, 'yung mga utak kinukurakot Pag hindi ka natakot...
Sugarcane - "Kung Maging Akin Ka" Kasalanan ba na umibig sa'yo? Alam kong ikaw ang sinisigaw nito Dinggin sana ang himig, upang malaman mo Na ang puso ko ay para sa'yo Ang ngiti mo'y 'di na masilayan Labis ang luha ng iyong mga...
Eliza Maturan - "Kusang Dumating" Kung dati mag-isa Ngayo'y natagpuan ko na Nasa harap ko lang pala 'Di ko rin minadali Mga dasal ay nasagot At lahat ng baka sakali Huwag ka sanang mawala Hindi pala hinahanap Kasi hindi mo...
IV Of Spades - "Bata, Dahan-Dahan!" Bata, dahan-dahan Sa mundong kinagagalawan Pagmasdan ang larawan Ng hitsurang nagmamalakas 'Di pwedeng mabulag Makinig sa tamang tinig Wala kang mapapala Sa taong walang kahulugan 'Wag hahayaang...