"Traydor Na Pag-Ibig (Remix)" lyrics

Marion Aunor & Salbakuta Lyrics

"Traydor Na Pag-Ibig (Remix)"

Traydor na pag-ibig
O kay lupit
Traydor na pag-ibig
O kay sakit
(Traydor)

Nang minahal kita ng tunay
Na mas higit pa sa 'king buhay
Halos sambahin kita
Buhay ko sa 'yo inialay
Pinaniwala mo ako
Na mahal na mahal mo ako
Wala akong kaalam-alam
Tinatraydor mo na pala ako
Bestfriend ko pa ang nilandi mo
Ano bang masamang nagawa ko at ito ginanti mo
Isa ka palang hudas
Hudas Iscariote
Magaling kung dumiskarte
At galing mong umarte
Pinakisamahan kita
Dahil mahal na mahal kita
Hindi ka ba nakuntento
Sa tropa ko'y ika'y nagpakama
Ako'y na-alarma
Hangga't maaga pa
Bahala na sa 'yo si karma

Traydor na pag-ibig
O kay lupit
Traydor na pag-ibig
O kay sakit
(Traydor)

Ginagawa mo lang dahilan ang ating pag-aaway
Pero ang totoo gusto mong humiwalay
Hindi ko man naaamoy ang iyong kataksilan
Pero nakita ko naman ang 'yong kawalanghiyaan
Ako ang katabi pero ang isip mo'y nasa iba
Sa panaginip mo binabanggit mo pa'ng pangalan niya
Bigla kang nag-iba
Hindi mo lamang napuna
At pinamumukha mo pa na may iba ka na
Hindi ako manghihinayang
Sa 'kin 'di ka sayang
Kaya sa akin ay lumayo ka na
Sa lahat ng ginawa mo
Walang lalaking tatagal sa 'yo

Traydor na pag-ibig
O kay lupit
Traydor na pag-ibig
O kay sakit
(Traydor)

Magaling ka lang sa umpisa
Mapagpanggap ang 'yong pag-ibig
Na hindi ko man lang napuna
Ngayon alam ko nang maloko ka
Bisto ka sa gawain mong
Akala mo walang makakakita
Kababae mong tao
Sawa na 'ko sa kasasabi mo
Na ikaw ay magbabago
Ikaw pa mismo nanggago
Lahat ng matipuhan mong lalaki
Ay iyong tinatrabaho
Sinayang mo lang
Ginamit mo lang
Mga sakit na ginawa mo
Ay kinaya ko lang
Wala nang ikaw
Wala nang ako
'Pagkat suko na 'ko
Sa katulad mong

Traydor na pag-ibig
O kay lupit
Traydor na pag-ibig
O kay sakit
Traydor na pag-ibig
O kay lupit
Traydor na pag-ibig
O kay sakit
(Traydor)


You May Also Like
Donnalyn Bartolome - "Sabi Niya" Itanong mo pa sa mga tala Kung ikaw ba'y dapat may ialintana Sa iyo'y sasabihin nila Ika'y walang dapat ikabahala Araw-araw kitang liligawan Kahit ako'y iyong sinagot na Araw-araw kitang mamimiss...
Michael Pangilinan - "Umagang Kay Ganda" Halika na pumikit limutin ang problema Hihintayin ang umaga Magpahinga, panaginip ang ikaliligaya Darating din ang umaga Basta't tayo'y magkasama Laging mayroong umagang kay ganda Pagsikat ng araw...
Carol Banawa - "Muntik Na Kitang Minahal" May sikreto akong sasabihin sa 'yo Mayroong nangyaring hindi mo alam Ito'y isang lihim itinagong kay tagal Muntik na kitang minahal 'Di ko noon nakayang ipadama sa 'yo Ang nararamdaman ng pusong ito...
Kaye Cal - "Isang Araw" Kung maibabalik ko lang ang dati Hindi na kita bibitiwan pang muli At ipadarama ko sa iyo na mahal kita araw araw Araw araw Ngayon ikaw ay nasa piling niya At ngayon ako ay nagsisisi na Ngunit...
Belle Mariano - "Closer" The first time that I saw you I instantly knew That you're the one for me We've been looking at each other You gave me that sweet smile That got me taken aback Don't know how to react What can I do...