"Nasaan Ang Hiling" lyrics

"Nasaan Ang Hiling"
(from "Snow White" soundtrack)

Sa balon laging mag-isa
Ang dilag na hindi iba
Bakod na tila parang selda
Kinulong sa naluma nang storya
Ang buhay niya'y nasasayang lang
Susunod at aayon lang
Sa pangarap, tatakbo
Umaasa nang tago

Ang sabi ni Ama noon
Bagyo at niyebe'y hinamon
Ang batang 'yon, muli bang babalik?

At nasaan ang hiling?
Saksi ng puno't ulap
Sa gubat nangangarap
Bulong sa tubig ay iniwan
Nasaan ang hiling?
Balang-araw sana
Hawak ang pag-asa
Nang Ama ay matularan
Sa panaginip lang
Dilag na may tapang
Magagawa kayang matagpuan
Lumabas at magising
O habang buhay mahimbing
Nasaan ang hiling?

May awa at kabutihan
Pilit niyang pinararamdam
Ngunit sa bayan, may kadiliman
Parang tama'y kinalimutan

Lalaban ba? Maduduwag?
Susunod? O susundan?
Matutupad ba'ng nais na maging?

At nasaan na ang hiling?
Saksi ng puno't ulap
Sa gubat nangangarap
Hadlang lahat, gustong takasan
Nasaan ang hiling?
Balang-araw sana
Hawak ang pag-asa
Milagro sa'kin ay gigising
Sa panaginip lang
Dilag na may tapang
Sadya bang nilihim nang 'di alam?
Lumabas at magising
O 'sang taong mahihimbing
Nasaan ang hiling?

Ang pangarap na tago
Matutupad lang 'to
'Pag sina-puso, puso, puso, puso
Sigaw at humiyaw
Hangarin ding sa'yo
At isa-puso, puso, puso
Patuloy man ang pusong dumaing
Naghihintay pa rin
Nasaan ang hiling?
Bulong sa tubig ay iniwan

Nasaan ang hiling
Balang araw sana
Hawak na'ng pag-asa
Ang Ama'y matutularan?
Sana ay masimulan
Sabihin nararamdaman
Tapang mailalabas
'Di kailangang iligtas
At mangangarap lang ulit
Paggising, ay ako pa rin
Nasaan ang hiling?

Nasaan ang hiling?
Nasaan ang hiling?


You May Also Like
BGYO - "He's Into Her" There will never be like this, girl She's something else, something magical Something about her will leave you mesmerized (yah) Can't just ignore her, look in to her eyes Hypnotized, she's a force...
Donnalyn Bartolome - "Sabi Niya" Itanong mo pa sa mga tala Kung ikaw ba'y dapat may ialintana Sa iyo'y sasabihin nila Ika'y walang dapat ikabahala Araw-araw kitang liligawan Kahit ako'y iyong sinagot na Araw-araw kitang mamimiss...
Vice Ganda - "Push Mo Yan Te" Push mo 'yan, 'te Push mo 'yan, 'te Push mo 'yan, 'te, eh-eh-eh-eh-eh Push mo 'yan, 'te Push mo 'yan, 'te Push mo 'yan, 'te, eh-eh-eh-eh-eh Marami sa'yoy nag-aabang Tiyak na hindi ka titigilan...
Inigo Pascual - "Lumang Tugtugin" Lumang tugtugin na yan Wag ka nang maniwala dyan Kung ayaw mo na umasa sa wala Luma na yang dahilan 'Di mo ba nararamdaman Nais niya lang makuha Puso mong kanyang sinaktan Tumingin ka na lang sa...
Zephanie - "Aking Hiling" Bakit ba parang bigat dal'hin Ng totoo'ng dapat daw ilihim Kung sa iba ay sasabihin din Ang totoo'y ilalabas, at May bigla ba ring gigising? Huwag iimik, wag daw maingay Pero sumisigaw na ang aking...