"Gusto Ko Nang Bumitaw" lyrics

"Gusto Ko Nang Bumitaw"
(from "The Broken Marriage Vow" soundtrack)

Umiiyak gabi-gabi
Walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban sa digmaan na talunan
Hanggang kailan
Talo na, pagod na
Akala ko ika'y sa akin pa, pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga?

Naglalagalag sa kadiliman
Naliligaw, nalilito, ano nga ba ako sa'yo?
Sino nga ba ako sa'yo?
Dito sa aking pagkakahimlay
Sa dibdib ko ay parang may nakadagan
Walang-kasing lungkot
Walang-kasing sakit

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino bang dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw

Kung kalungkutan kong kaligayahan mo
Kung pagkagapos ko'y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso kong siyang lunas diyan sa puso mo (Ooh)
Paano na ako, magpaparaya ba?
Papakawalan na lamang ba kitang buo sa loob
Pinanghihinaan na nang loob

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino bang dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw

Humahagulhol ngunit wala namang nakikinig (Ah)
Walang magandang pupuntahan
Kailanman ang maling pag-ibig
Kaya ngayon, pipiliin ko muna ang aking sarili
Bago magmahal muli
Magmamahalan pa kaya
Magmamahalan pa kaya tayong muli, oh

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso (Oh)
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino bang dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?

Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Gusto ko nang bumitaw, bumitaw, bitaw
Gusto ko nang bumitaw

Pipiliin ko nang sarili
Bibitaw, bibitaw na


Writer(s): Jonathan Manalo, Sheryn Regis, Michiko Unso
You May Also Like
Erik Santos - "Pagbigyang Muli" Muli ay 'yong pagbigyan, ako'y nagkamali Muli ay 'yong patawarin, ako'y nagsisisi Alam kong ako'y nangakong 'di na mauulit pa Ako'y nagkamali sa'yo, muli ay patawarin mo Ako ba'y 'yong yayakapin?...
Angeline Quinto - "At Ang Hirap" Naglalagay ng kolorete Sa aking mukha Para di nila malaman Ang tunay na naganap Na ikaw at ako Ay hindi na Ineensayo pa ang mga ngiti Para di halata Damdamin ko'y pinipigil Sa loob umiiyak Dahil...
Christian Bautista - "The Way You Look At Me" No one ever saw me like you do All the things that I could add up too I never knew just what a smile was worth But your eyes say everything Without a single word 'Cause there's somethin' in the way...
KZ Tandingan - "You'll See Miracles" Don't, don't lose your faith, hold on Believe that Someone is watching And He hears your prayers Don't, don't ever let the pain bring you down Believe that He knows all your longings And He loves...
Julie Anne San Jose - "Your Song (My One And Only You)" It took one look Then forever laid out in front of me One smile then I died Only to be revived by you There I was Thought I had everything figured out It goes to show just how much I know 'Bout the...