"MGA IDOL" lyrics

Guddhist Gunatita, Nateman, Mhot, Aaron Proseso & Paul Cassimir Lyrics

"MGA IDOL"

Ano bang meron ngayon? kasama ko mga idol ko!
Yeah yeah yeah

Dati akong magnanakaw pero lahat nagbago
Simula nung natutunan ang laro at nakapa ko
Naging kilala ng tao
Dating nilalang tapos
Naging bihasa't lapis tinasa
Nagsulat ako maghapon

Di ko tinatantanan
Pangarap binabakbakan, ugh yeah
Ako ay ginagabayan
Kayo ay kinakantahan, ugh yeah
Lugar niyo binababaan
Kayo ay ginaganapan, ugh yeah
Di kita nilalamangan
Galing niyo sinasabayan lagi

Panahon na para para pabilibin ka
At pakitaan maliwanagan mga babae kiligin pa
Andito ako para singilin ka
Ewan ko lang kung kayang tiisin pa
Pagka napuno ay baka tirisin ka
Wag mo na kase ako na inisin pa

Di ako naglalaro wag mo kong laruin
Ikot tatlong beses sa hood at saluhin
Mo ang mga bala ko sayo na ratatat
Olgang redboyz alam mong babakat

Ha ha ha, sino na sunod huy?
Guddhist sino na ang sunod?
Kayo na lumapat dito
Pag gising ko
Pag gising ko
Pag gising...

Pag gising ko biglang nagbago lahat
Kasama ko na mga dati kong pinapakinggan
Senyales to na umu-usad pag ginagalawan
Sa mga nagdududa sakin eto lang sagot dyan

Di nako babalik sa mga dati ko na gawi
Wala na di na ma-aalis pangalan lagi na nasa list kailangan
Ko nalang magtiis malapit ko na to makamit salamat
Sa mga sumagip nung para nakong mababaliw

Dinagukan ng tadhana pero pilit tumayo
Ginamitan ko ng puso't isip sa paglalaro
Ngayon kitang kita ko na yung mga natatamo
Buti nalang diko tinigil na maging ako
Kumapit sa patalim pero hinugot ko men
Sarili ko na nasa bingit na at nasa bangin
Wag moko na sagarin baka ikay samain
Di kaba natatakot sa gabay ko na amain

Haha! o diba diba diba? ayan si kuya gudds!
O di kaba natatakot? eto na yung dala ko nakabalot!

Sige na lawakan sagarin kung ano ang kapasidad tapikin
Di nakipag palaliman gusto na lang sagipin
Ang mga bunga ng punlang matagal ng natanim
Ang sarap lasapin pag bumakat kang maging

Di pangkaraniwan
Biglang napabilang
Di ako kasama dito
Kung di na sabihan
Ni guddhist na gumawa ng good shit
Matapos ko maguhit mga mukha napunit ahhk!

Dati wala lang at musika ko nilako
Ngayon andito pa at ung laro nyo nilaro
Sa daming dinaanan kahit na daming bako
Yun ang dahilan at paraan para maging ako

Kita mo sa lahat ng tinamo
Di na to tinatablan kahit ano pang ibato
Kung anong makakabuti yun ang tanging sinalo
Malinis na trumabaho at wala tong tinalo
O ano ha?

Galing talaga ng mga idol ko ah
Ako na ba? osige
Game game game banatan ko na yan
Baka banatan pa ng iba e
Aye aye aye aye aye ap

Napasama't napabilang sa mga pambihira
Bawal dito ang mahina, tulakan lang wag kang manghila
Mga barang di tumitila, mga tunay na hinirang
Kala nila madali lang pare nagkakamali ka haa?

Nilagare yung game at prinoseso paangat
Si paul si gudd si mhot si nate ang mga bagong alamat
Sapul sa good nag-elevate pagkalapag sa etivac
Ganda ng mood pang wake&bake alam mong laging sinasagad

Buhay ay sinugal, babad to sa laro
Wag ka magkukupal at pabano-bano
Walang butal walang kulang saktong sakto
Balanse lang parang yinyang ang halo
Yo peso gang matik lam mong sakalam
Umaasta na lang na kala mo walang alam
Madami pang pag asa pare wag ka mawalan
Tatapat din yan kelangan mo lang galawan

Tara galawan natin! sakto sakin natapat yung mic
Salamat sa espasyo mga tropa
Solid yung mga kasama ko dito pero syempre

Anuman ang naabot ng estado't narating
Magpasa hanggang ngayon, di pa rin naman maselan
Pag nababagot, nasa zone pa rin ng dayones
Tambay dun sa court at nakikipagbekbekan
Pagtapos tanghalan mga imbitasyon sakin
Na may kwartong mahangin at magagarbong pagkain
Pagbalik ko rin samin, tsaka ko mas nasasabing
Iba pa rin yung salu-salo dun sa dahon ng saging
Malata man yung kanin na galing sa patak-patak
Sa maliit na bilog umiikot yung sarap
Dahilan kung bat natutong makisa sa harap
Ng mga samu't saring tao sa iba't ibang ganap
Dama ko yung galak ng mga nae-engganyo
Na alamin lahat pati buhay na pribado
Di pangkaraniwan yung anyo sa entablado
Pero mas bilib yung tao sa pagiging ordinaryo
Di binago ng laro
Wala nang kaylangang pamarisan o bihisan para lamang ilako
Kilala kung pano magsulat, walang imaheng patago
Tumatak yung kabuluhan kaya di sayang yung tattoo
Kausap sarili, sabi ko sakin; wag ka maging silaw
Pinanatiling naririnig sa daming humihiyaw
Mahaba ang byahe ng 'yong lakbayin bago maging ikaw
Tandaan mo lang lagi kung san ka galing, di ka maliligaw


You May Also Like
Apekz - "Arangkada" Wag mo pilitin na isipin na walang pag-asa Pagkat meron pa yan Tingnan mo yung karamihan na meron pasan Daig pa ang kuba pero di nagpapahalata Sila pang magtatanong kung nakakain ka na Namamagang mga...
Smugglaz - "Hakuna Matata" Wag ka mag-alala la la la la la... Di habang panahon, mananatiling mailap ang pagkakataon Kahit na parang ngayon tila ba nakabaon Ang kalahating katawan lupa mo't nasa kahon Eh pano buhay ka pa...
Lo ki - "Praise The Lord" When I feel so numb and so down You lift me up until right now I praise the Lord and take a bow You save my soul from the ground When I feel so numb and so down You lift me up until right now I...
gins&melodies - "+ pusong malamig" Manhid ka talaga, 'di mo makitang nababasag na 'ko sa ginagawa mo, yeah Ngayon mahalaga ako, bukas parang 'di na 'ko kilala para na 'kong gago, yeah Alam mo kahinaan ko tinutuloy mo pa, love, sa'yo...
1096Gang - "Toktok" Bugbog daming galos muntik nang mamatay Pwede na kong sumabog di lang bumibigay Buti sa tamang kalesa ako nakasakay Okay Kahit madaming pagsubok importante buhay Pwede ka sakin kumatok tok Call...