"Pagmamahal Mo Lang" lyrics
"Pagmamahal Mo Lang"
[Jnske:]
Ibang pakiramdam 'pag sa'yo nakatingin
Sa'yo ko na lang muli naramdamang ngumiti
Ikaw ang dahilan kaya hindi ako nauubusan
Ng lakas at kaligayahan, kaya naman
Hindi ko na kailangang maghanap
Dahil nakita ko na sa'yo (Sa'yo)
Pag-ibig na dapat ingatan
Dahil ngayong akin na ang puso mo
[Skusta Clee:]
Ano pa nga bang mahihiling?
Pag-ibig na hindi kayang bilhin
Sa dami-dami ng 'yong pipiliin
Sa puso mo ako ang nagwagi
At tandaan mo na, ano man ang bukas na parating
Hindi na ako takot na harapin
Dahil ang tanging mahalaga lamang sa'kin
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
[Flow G:]
'Di mo hinayaan sa dilim, buti nagawa mong sagipin
Sa kalungkutan, ikaw ang unang paghuhugutan ko
Sa tuwing dumidilim na ang paligid
Pinapaliwanag ng iyong pag-ibig
Sa'yo ko lang naramdaman na meron tunay na pagmamahal
At puso ko'y hindi mo lang pinatibok
Inalis pa ang bigat ko sa likod
Isa na lang talaga nasabi ko, buti may katulad mo na narito
Sinong 'di mapapaisip kasi kahit na ang dami-dami sa paligid
Tayo ang napili na pagsamahin na pag-ibig
Napakasarap sa piling, kasi totoo na parang panaginip
[Skusta Clee:]
Ano pa nga bang mahihiling?
Pag-ibig na hindi kayang bilhin
Sa dami-dami ng 'yong pipiliin
Sa puso mo ako ang nagwagi
At tandaan mo na, ano man ang bukas na parating
Hindi na ako takot na harapin
Dahil ang tanging mahalaga lamang sa'kin
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
[Bullet-D:]
Binago mo ang pananaw ko
Ikaw ang nagsilbing lakas ko
Sa t'wing pagod ako, alam mo
'Di ko na mabilang kung ilang beses nagtampo
Sa dami ng pagtatalo ay kinalmahan mo
Buti na lang sa'kin ka pa rin at 'di nagsawa
Sa mga mali ko lagi mo 'kong tinatama
Kaya minsan ang sarili ko sa'yo hiyang-hiya na
Pinapatawad mo pa rin kahit makasalanan
Sa'yo ko naramdaman ang tunay na halaga ko
Kapag wala ka ay parang ikakamatay ko
Kasi hindi ko kaya lalo 'pag wala ka
Ayokong mag-isa gusto ko lagi kang kasama
Buhay ko ay sumigla, mula nang pinadama mo
Sa'kin na iba ka at wala nang iba pa
Sana hindi ka magbago, simula nung umpisa
Kasi ikaw lang ang babaeng binigyan kong halaga
Mahal kita
[Skusta Clee:]
Ano pa nga bang mahihiling?
Pag-ibig na hindi kayang bilhin
Sa dami-dami ng 'yong pipiliin
Sa puso mo ako ang nagwagi
At tandaan mo na, ano man ang bukas na parating
Hindi na ako takot na harapin
Dahil ang tanging mahalaga lamang sa'kin
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Mga labi ko'y alam mo bang sa'yo lang
Wala naman akong iba pang pag-aalayan
At nasa sa'yo lamang ang aking ligaya
Ikaw ay isang napakalaking biyaya, ooh-ohh
Ano pa nga bang mahihiling?
Pag-ibig na hindi kayang bilhin (Yeah, yeah)
Sa dami-dami ng 'yong pipiliin (Pipiliin)
Sa puso mo ako ang nagwagi (Oh-ooh)
At tandaan mo na (Ooh)
Ano man ang bukas na parating (Ooh)
Hindi na ako takot na harapin
Dahil ang tanging mahalaga lamang sa'kin
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang (Ohh, pagmamahal mo lang)
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang (Pagmamahal mo lang, pagmamahal mo lang)
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Pagmamahal mo lang, mo lang, mo lang
Pagmamahal mo lang
Ano pa bang hihilingin ko?
Ano pa bang hihilingin?
Ano pa bang hihilingin ko?
Pagmamahal mo lang
Ano pa bang hihilingin ko?
Ano pa bang hihilingin?
Ano pa bang hihilingin ko?
Thanks to Jaymart G. Tumbado for correcting these lyrics.
Writer(s): Daryl Ruiz, Daniel Tuazon, Jan Quintana, Rodolfo Bulahan, Archie Delacruz
- AZLyrics
- O
- O.C. Dawgs Lyrics
You May Also Like
Patch Quiwa - "Dalangin" Hindi ko alam kung bakit naguguluhan pa rin
Di lang siguro makapaniwalang masaya na ko ngayon
Nasanay akong puro pinapakinggan masasakit na awitin
Pamilyar kasi sa akin ang pakiramdam
Ngayon handa...
Al James - "Ngayong Gabi" Ikaw nalang ang katabi, ngayong gabi
Pwede tayo magpabaga pag nanlalamig
Oh magdamag nakasinde, buong gabi
Naghahanap kasi ng tama ang nagkamali
Ikaw nalang ang katabi, ngayong gabi
Pwede tayo...
This Band - "Ligaya?" O kay bilis naman
Mga pangyayaring hindi inasahan
Ligaya ang nadarama
Ligaya nga ba talaga
Minsan pag nag-iisa
Iniisip ang alaala
Nung tayo ay magkasabay
Mga tinginang pamatay
Haplos ng iyong kamay...
JRoa - "Baliw Sayo" Nung una kitang makita
Binihag mo agad ang aking mga mata
At dahan dahan ng nahulog
Hindi ko namalayan
Na ikaw pala, ikaw na nga ang matagal ko ng hinintay
Oh, I'm fallin in love with you
Girl, I...
Agsunta - "Magkasuyo Buong Gabi" Magkasuyo buong gabi
Masaya't magkatabi
Magkayakap sa buong magdamag
Kahit ngayong kandila lang
'Di ko man alam ang iyong pangalan
Only in a world of make-believe
Can love come along and I believe...