"2022" lyrics

"2022"

Bagong kalendaryo sa pader idinikit
Ang bilis ng pangyayari, talagang iginiit
Parang kelan lang sinabi na akin itong taon
Ngayon ay andito na, hindi lang to nagkataon
Ibat ibang lugar napuntahan, kinantahan
Kabilaan na picturan, lahat yun tinandaan
Minsan ay pagod sa byahe, masakit na katawan
Pero pag sumalang, dapat palaging isang daan
Lahat nang to'y pangarap, ngayong taon naganap
Salamat sa mga nakasama ko na naghanap
Mga hindi bumitaw, patuloy na nakinig
Kaya ngayon malago, patunay na nagdilig
Abot kamay lahat buti na lang ay gumalaw
Kaya sabi ko wala sa pipilian: umayaw
Ngayon lahat sumayaw at sa akin sumabay
Hayaan ang tunog ko sa inyo ang gumabay

Patuloy na pasasalamat palagi sa itaas
Narinig yun panalangin kahit 'di na ilakas
Masayang mga anak, wala na ngang mahihiling
Kahit na anong ituro, akin yang mabibili
Buti na lang talaga ngayon nakaluwag-luwag
Di aabot dito talaga kung paduwag-duwag
Yung akalang imposible, hindi pla totoo
Simula pa lang lahat, alam mong di pa todo to
Masyadong mabait sa panahon ngayon, di pwede
Kung gusto mong tiwala, ang sagot ko dyan depende
Naloko na kaya ngayong taon natuto na
Mahalaga lang talaga ay yung natuto ka
Walang pinagsisihan, lahat yan sa akin aral
Ginawan ng paraan, hindi ko na inangal
Pasensya pahabain, dapat laging nababanat
Kukuhaen para saken, yun ang nararapat

[?]


Writer(s): Omar Harry B. Manzano
You May Also Like
Bawal Clan & Owfuck - "Ligaw" Naglalakad naglalakbay, nagsusunog ng kilay Sa kwarto na tahimik nabibingi sa ingay Hanggang makalabas at Tila ba nakawala Tinatanim sa isip ang gawa wala tong himala Sa pera ay gahaman sa musikay...
CLR - "Nisila" Minsan Ikaw ba'y nag tataka kung bakit tayo nilisan Ng mga minahal natin ng buong puso't isipan Butas natin na mahirap na syang muling takpan Sa sitwasyon alam mong wala kang kalalagyan At masasabi...
Geo Ong - "Don Angelo" Elementarya pa lang ako na madalas na makatsyawan pagkat isa Ako sa mga walang wala sa paaralan pumapasok na walang kain May bitbit pang mga pasanin habang suot uniporme kong dalawang araw ng...
Emman - "Simula" Pwede ba na ibalik muna sa simula Dami na kasi nag-iba Ibang-iba na, amnesia pa ang dinala 'Di ko na kayo kilala, nakakabigla Espasyo na mas lumala, pinaglayo ba ng sadya 'Yung samahan natin,...
Midnasty - "Bisag Asa" Okay ra bisag asa Basta kuyog tang duha Bya'an nato'ng kalibutan Okay ra Kung naa ka Bahala na Kung naa ka Bahala na Bisag asa pa ta nga duha Ilabay's hangin Wala na'y laing Maka pugong ani nga...