"Walang Hanggan" lyrics

"Walang Hanggan"
(originally by Quest)

Gulong-gulo ang puso
Saan ba 'to patungo?
'Di ko alam, 'di ko alam
Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan?
'Di ko alam, 'di ko alam
Nung ika'y nilalamig, ako'y 'yong init
Kapag takot sa bukas, ako'ng unang sisilip
Ginawa ko na'ng lahat, hindi pa rin sapat

Kasi ika'y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig 'yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Titiisin ko na kahit paulit-ulit
Tapos pipilitin ko na 'di maulit
Ang masulyapan mo 'yung dulo
Akala ko walang hanggan pero may dulo

Bawat segundo sa'king puso iuukit
Lahat ng alaala aking iguguhit
Para makalimutan mong may dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Pero 'eto tayo sa dulo

Kailan ka ba napaso?
Nanlalamig na ang 'yong braso
Bakit ganyan? Bakit ganyan? Bakit ganyan?
Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit
Sa'n galing ang galit? Meron bang nang-aakit?
Kailangan ko lang malinawan
Bakit ganyan? Bakit ganyan?
Handang panindigan lahat ng ating plano
Sigurado kahit 'di kabisado
Gagawin ko ang lahat
Walang pake kung 'di sapat

Kasi ika'y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig 'yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo 'yung dulo
Kasi sabi mo walang hanggan, ba't merong dulo?

Ibibigay ko ang lahat paulit-ulit
Bawat pagkakataon ay aking isusulit
Basta matalikuran mo 'yung dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Ba't nandito tayo sa dulo?
Ohh, ohh, oh-ohh, sa dulo
Ohh, ohh, oh-ohh

'Wag ka munang tumalikod, bumalik ka muna dito
Padampi kahit anino, ayokong mag-isa dito
Wala na bang bisa aking dalangin?
Tinataboy na ba ng langit?
Nakikiusap na lang sa hangin
Ngayon wala ka na sa akin, ohh

Bakit ba biglang meron tayong dulo?
Pangako mo walang hanggan
Bakit nand'yan ka sa dulo?
Pwede bang kalimutan mong may dulo?
Handa 'ko sa walang hanggan
Pangako mo walang hanggan
Akala ko walang hanggan
Pero 'eto tayo sa dulo


You May Also Like
Wilbert Ross - "Kung Siya Man" Ngiting nakita ko naman nung una Sayang ramdam ko pa pag tayo'y magkasama Halik na dati dumadampit pa sa labi Salitang mahal kitang bulong nalang sa hangin Ngunit unti-unting nawawala sigla ng yung...
Adie - "You'll Be Safe Here" Nobody knows just why we're here Could it be fate or random circumstance? At the right place at the right time Two roads intertwine And if the universe conspired To meld our lives to make us fuel...
Angela Ken - "Kontrol" Nakakita ka na ba Ng mga pekeng pagkataong umaaligid sa'yo? Nakasagap ka na ba Ng mga balitang 'yun pala'y 'di totoo? Pindot doon, pindot dito Komento agad, 'di naman alam buong kuwento mo Ganito na...
This Band - "Kilometro" Gagawin ko ang lahat upang Sa huli sa huli sa huli ay tayo Kung kailangan kong tahakin ang Kilome-kilome-kilometrong layo Ohh hoh... Bakit nga ba itong agwat natin Pinipilit palawakin Pero habang...
Donnalyn Bartolome - "Itatama Pa Ba O Tama Na" Ohhhh Ohhhh Ohhhh Ohhhh Ohhhh Ohhhh Nang tayo'y lumuha sumabay ang panahon Umulan ng malakas nang magbukas Ang pagsasama ng dalawang taong Nagmamahalan pa Dahil kailangan lang talaga Bigyan ang...