"Ulap / Miracle Nights" lyrics

Rob Deniel & ALLMO$T Lyrics

"Ulap / Miracle Nights"

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta sa akin ka sumama na

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba

Ako nang bahala, baby, 'wag ka nang mag-alala
Isipin natin na parang tayo lang dalawa
'Wag mong tignan kung ano mang maging tingin nila
Tayo din naman ang magsasama, 'di ba kumbaga
Wala na 'tong biro, ikaw ang herong
Sumalo sa kada pagbaba ng negatibong
Naging dahilan nang matakpan mo ang mali ko
'Di ko papalampasin ang sandali na ikaw lamang ay nandito sa 'kin
Talagang lumilitaw ang 'yong ganda
'Pag natapatan ng ilaw ay mas lalong nakakadala
Kumapit ka sa 'king kamay, 'di kita ibababa
Sumakay tayo papunta sa balewala kung anuman ang ginagawa
Simple pero napakamahirap na mahanap
Suwerte na kapag natapat ka sa pinapangarap
Sulitin natin nang 'di na mawala pa nang maagap
Kung isang gabi lang din naman 'to pwedeng maganap, oh

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta sa akin ka sumama na

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba

Hayaan mo na sulitin natin
Ang mga sandali sa oras na hiram
Mahalaga sa 'kin ang bawat pagsasama
Hindi na kailangan pa na may ibang makaalam
Gusto ko 'yung tipong laging may asaran
Puro tawanan at ngiti mo lang kailangan
Ikaw lang ang pipiliin ko na makasama
Hanggang sa likod ng mundo na makasalanan
'Wag sana magmadali
Parehas lang natin na ayaw na magkamali
Pahintulutan mo naman ako na ikaw ay makatabi
'Di na kailangang mabahala, 'di ko 'yan pagsasabi, yeah
Wala na 'kong hiling pa
Kundi pagsaluhan ang gabi na 'tong bitin pa
Tayo lamang dalawa, sa 'kin tumingin ka
Dito ka lang sa 'king tabi, ayokong umalis ka, ugh!

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta sa akin ka sumama na

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba

Ooh, alam mo bang sa isang ngiti mo
Ay naaalis lahat ng pagod ko
Ikaw ang nagsisilbing sandalan ko kapag ako'y nahihirapan
Kaya 'di na ‘ko bibitaw kasi ikaw lang ang kailangan
Pinupuno mo ng kulay ang mundo kong madilim
Hindi ko na sasayangin ang pag-ibig mo, 'di ako maglilihim
Kasi pinatunayan mo sa akin na may pag-ibig
Kaya 'wag kang magtataka kung bakit mahigpit ang hawak ko

Basta sa akin ka, sumama na
'Di na 'ko maghahanap pa ng iba
Gabi-gabi tayo magsasaya
Sayang kasi 'pag nawala ka pa

Isasayaw ka sa ulap
At mag-uusap, hindi manghuhula

1,2,3
'Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta sa akin ka sumama na

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba


Writer(s): Jomuel Casem, Clien Alcazar, Rob Deniel, Rocel Dela Fuente, Angelo Timog, Kylix Filamor, Elijah Filamor, Paolo Mercado
You May Also Like
Ben & Ben - "Fall" Move a little closer So I can breathe you in Wrapped in this enclosure How long has it been Feels like we can stay forever In each other's arms So lay down on my shoulder I'll keep you safe from...
keshi - "always" (One, two, one, two, three) (Lend me your ears) Hey Where'd you go? Could've sworn that you were sleepin' over Say I don't know But I thought that we were starting over Like we always do Like we...
Arthur Nery - "Binhi" 'Di ko na nadiligan, ang binhi ng iyong pagmamahal Ayoko nang sapilitang ibuhos ang lahat ng dinadamdam Ang tangi kong hiling ay mahawakan Ang iyong mga kamay at daliri habang Dahan-dahang haplusin...
Clara Benin - "Wine" You are the one that I loathe A lump in my throat A bit too much to swallow But I can't seem to spew you out Cause every time you're around I lose sight of the ground I feel like I'm bound to fall...
Fern. - "Whatever This Is" I know you're fiending on emotions with the lights out (Lights out I know that you can feel it too) Stop acting crazy baby, you should really lie down (Lie down, lie down) Can we have a minute I...