"Maya" lyrics
"Maya"
Young God
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Nagpaulan ng talento yung Panginoon
Sa bago kong henerasyon
Ang isipan na nakalabas sa kahon
Kapag isa ka samin alam mo na yon
Kahit lumaki sa kalsada, di pa din nawalan ng pag-asa
Para sa kabataan ko na kababayan wala kang hindi makakaya
Na para bang ibon na Maya, Malaya sa himpapawid gustong lumipad
Ano mang pagsubok ang makasalubong ay kayang dalhin kahit mabigat
Ang bagong pag-asa ng bayan, gumagawa ng kasaysayan
Di basta nagpapatangay sa agos, meron din gustong patunayan
Malaya ang pag-iisip, bukas ang puso at diwa
Sangkatutak na ideya sa utak ang nakapila
Diretso di tumitigil madami mang humihila pababa
Ay positibo pa din dalang enerhiya
Di nawawalan ng gasolina
Kahit malayo ang biyahe, nakakabingi man ang mga busina
Makina mainit pa sa kusina
Para sa kinabukasang gusto ko makita, bago sa kama dumilat
Di nila mapipigilang, kasabay ng bagong araw sumikat
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
May, puso't talino, may sipag, madiskarte
Sa iskwela, estudyante, pag sa bahay, negosyante
Nakalatag ang madaming pambenta sa garahe
Bangketa, sa tanghali ang presyo kalahati
Di natatakot sabihin ang gusto sabihin at walang piring sa mata
Hatid ay liwanag sa bawat silid na may kadilimang hindi makapa
Buong kalawakan napapabilib kasi malupitan na talaga
Mga kabataang napakasolido, kahit na di mo pa halata
Di papatalo kapag ang usapan ay sining at teknolohiya
Pinakabago, hindi nakapako na lang sa mga makalumang ideya
Parang bukas na libro walang itinatago
Paningin ay klaro sa mga gusto pa maging
Sa tuwing haharapin, taong nasa salamin
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Dahilan kung bakit nagsusumikap pa nang husto
Ay hindi lang dahil sa yamang materyal sa mundo
Kayamanang matatawag ay kung meron ka nito
Pamilyang nagmamahal, kaibigang totoo
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Writer(s): Lester Paul Vano, Sean Patrick Ramos
- AZLyrics
- S
- Shanti Dope Lyrics
You May Also Like
Loonie - "Tao Lang" Uy! si Loonie yun ah?
Tara lapitan natin..
Idol FlipTop tayu..
Tara isa lang kuya.. Sige na...
Parinig naman ng rap mo! sample naman d'yan
Ang ganda naman ng cap mo! arbor nalang yan
Ang yabang mo...
Because - "OTW" Papunta na, Papunta na, Papunta na, Papunta na
Papunta na ko sa lagi nating tagpuan, atat na ko't wag na mo ng ipabukas
Papunta na, Papunta na, Papunta na, Papunta na
Sulitin natin ang ibinigay satin...
Al James - "Pahinga" Pahinga ka muna, pahinga ka muna
At dadalhin kita, sa may alapaap
Mga pasakit sa mundo, napapagod ang puso
Alak o usok akong bahala sayo Pagod ka na ba at sawa ka nang masaktan?
Sagad na sagad,...
Psychedelic Boyz - "Pineal Gland" Kaya hindi mo maintindihan
Kasi hindi mo pa nasindihan
Kaya hindi mo maintindihan
Kasi hindi mo pa nasindihan
Psychedelic Mothafuckin Boyz
Hindi lang basta ingay ang aming mga trappin noize
Tenga...
Smugglaz - "Blankong Papel" Limot ko na bawat piraso ng mga salitang binulong ng hangin saakin
Sinala ng puso at isip bago ko isinalin
Blankong papel, blankong papel
Blankong papel, blankong papel...
Simula sinumulan para muli...