"ROPA NATION" lyrics

"ROPA NATION"
(feat. Hero)

Mga ropa... (Eyy!)
Oo, mga ropa... (Ohh!)
Oo, mga ropa... (Eyy!)
Mga ropa, mga ropa kong mahal

Mga ropa... (Eyy!)
Oo, mga ropa... (Ohh!)
Oo, mga ropa... (Eyy!)
Mga ropa, mga ropa kong mahal

Mga ropa... (Eyy!)
Oo, mga ropa... (Ohh!)
Oo, mga ropa... (Eyy!)
Mga ropa, mga ropa kong mahal

Pasasalamat sa taas sa regalo mong talino at lakas
At gabay sa mga susunod pa sa mga bakas
Bagong music, ropa, volume dapat malakas
Official soundtrack natin habang nagmamartsa sa labas

Kasama mga rops, buong pwersang naglalakad
Sa kabila ng init ng araw, nagbababad
Sipag at tiyagang sagad, di para sa mga tamad
You pray to God na matupad mga pangarap na hangad

Negosyong di magarbo sa bangketa o sa kanto
Alas-nuwebe hanggang alas-singko na trabaho
O minsan sobra pa, basta kayod lang, wala to
Patas kung lumaban, mundo man ay madaya masyado

Binabalanse kahit di pantay-pantay
Mundong ito sa napakaraming bagay-bagay
Panay-aray sa mga ropangang mahal, kaway-kaway
Samahan n'yo ko, awitin nang sabay, ito'y

Para sa lahat ng mga ropang kong mahal
Mga kapanalig saan mang mundo
Galing sa wala pero nangarap, nagdasal
Kaya naman sa'yo, respeto at saludo ko

Pare-pareho lang tayo't magkakaugnay
Marami kang katulad, wag malumbay
Kanya-kanyang laban man ang kaharap
Ay sama-sama tayong magtatagumpay
Mga ropaa ko

Diploma o diskarte, ano nga kasagutan
Kung gagalaw o tutunganga ba ang katanungan
Basta para sa pamilya, papasukin, papasukan
Kesa nakatungo lang na maghintay na masahuran

Lalo kung ikaw lang inaasahan, din katulad
Ng laya at obligasyon ng mga ibon sa gubat
Tapos lumipad, manggalugad, nawa'y merong pampalubag
Na mauwi sa mga inakay pagbalik sa pugad

Yan ang pang-araw-araw na buhay ng iba
Na araw-araw din nilang pinapalagan
Darating din ang araw, buhay mag-iiba
Di na daliri sa tinapay ang pinapalaman

Binabalanse kahit di pantay-pantay
Mundong ito sa napakaraming bagay-bagay
Panay-aray sa mga ropangang mahal, kaway-kaway
Samahan n'yo ko na awitin nang sabay, ito'y

Para sa lahat ng mga ropang kong mahal
Mga kapanalig saan mang mundo
Galing sa wala pero nangarap, nagdasal
Kaya naman sa'yo, respeto at saludo ko

Pare-pareho lang tayo't magkakaugnay
Marami kang katulad, wag malumbay
Kanya-kanyang laban man ang kaharap
Ay sama-sama tayong magtatagumpay
Mga ropaa ko

Sa kanan at sa kaliwa, abante lang, tuloy ang marcha
Sipag, dasal, at pagmamahal lamang ang tanging sandata
Iba't ibang kwento ng masa, normal na laman ng kalsada
Pangarap at mga pag-asa, balang araw makachamba

Kahit na minsan sa hirap ng buhay
Di mo na malaman papano
Makakamit ang hangad, pagbabago
Tadhana'y madaya masyado

Basta bangka mo nakataya
Kapag pagnanalo, merong balato
Sapagkat ang mga ropangang mahal
Sa pagtatagumpay, lahat magkakasalo, tara!

Para sa lahat ng mga ropang kong mahal
Mga kapanalig saan mang mundo
Galing sa wala pero nangarap, nagdasal
Kaya naman sa'yo, respeto at saludo ko

Pare-pareho lang tayo't magkakaugnay
Marami kang katulad, wag malumbay
Kanya-kanyang laban man ang kaharap
Ay sama-sama tayong magtatagumpay
Mga ropaa ko

Mga ropa... (Eyy!)
Oo, mga ropa... (Ohh!)
Oo, mga ropa... (Eyy!)
Mga ropa, mga ropa kong mahal

Mga ropa... (Eyy!)
Oo, mga ropa... (Ohh!)
Oo, mga ropa... (Eyy!)
Mga ropa, mga ropa kong mahal

Mga ropa... (Eyy!)
Oo, mga ropa... (Ohh!)
Oo, mga ropa... (Eyy!)
Mga ropa, mga ropa kong mahal


You May Also Like
JRoa - "Babalik" Makalipas ang mahabang panahon tsaka mo marararamdaman ang lubos na panghihinayang Sayang lamang dahil hindi na muling mahahawakan pa ang mga palad ko mula nang ako'y iyong bitawan Binasura ang...
Apekz - "Pasulyap Sulyap" Gusto ko na mapasakin ka Pero hindi ko naman maamin na May gusto ako sayo kinakabahan ako Hindi ko man lang magawang biglang lumapit sa Isang katulad mo na para bang prinsesa Ang pera ko lang ay...
Flow G - "Gotchu" Ikaw na bahala sakin Ako bahala sayo San man makarating Basta sa malayo 'Di ka bibitinin lalo pag magkasama tayo 'Kaw na bahala sakin 'Tas ako bahala satin Ikaw na bahala sakin Ako bahala sayo San...
Stick Figgas - "Hiram" Limitado ang renta natin sa planeta Nasasayang sa mga bagay na walang kwenta Kung pinanganak ka ng dekada otsenta Wag ka nang umasang umabot ka pa ng nobenta Alaala na ang kabataan ang saya-saya...
Geo Ong - "Kasalukuyan" Maraming nasisirang buhay dahil sa kalibugan Nakakagawa ng mali't nawawala sa katinuan May lalaking lahat ng babae gustong mahipuan Alam kong alam nyo na mali po yan Mag-aaral na madalas pa sa...