"Busted" lyrics
"Busted"
Sana 'di mo na lang pala ako pinahintulutan
Na gawing inspirasyon ang katulad mo sa kasalukuyan
'Di naman sa mali ka diyan, ang mali ako'y umasa
Kaso lang ang masakit do'n ay hinayaan mo pa 'kong mamihasa
Sa pagmamahal na inaasam galing sa 'yo
Masyado naman atang hindi naging patas ang binungad mo
Kala ko kasi may tiyansa at malaki ang aking pag-asa
Na ang naging sanhi sa huli ay bigla ko na lang natamasa
'Yung gan'tong pakiramdam kung kailan 'di na maalis
Sa 'king isipan lalo 'yung mga araw na sobrang tamis
Na nating dalawa sa daan napakasaya na kung tignan
'Di mo lang pala agad sadyang masabi ang salitang 'yan
Sana nung panahon na hindi pa ganu'n kalalim aking pagtingin
Ay mas maiintindihan ko pa at tatanggapin
Sa 'king sarili na hindi ako 'yung gusto mong makasama
Du'n pa lang sa simula'y sana'y nagsabi ka na ng maaga
Sino nga ba naman ako sa 'yo
Para sagutin ang tulad ko
Ang mahalaga'y nalaman ko sa 'yo
Na 'di ako ang gusto mo
Ba't ngayon ko pa nalaman
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
Para 'kong magigiba
Sobra ka lang palang nahihiya
Na sabihin sa 'kin
Madali lang naman sabihin ang ayoko bakit pa kasi pinatagal mo
Umabot pa talaga sa puntong nahulog na 'ko sa 'yo
Pa'no naman yung nakaraan
Nung bigla mong hawakan ang kamay ko't hinalikan
Dun pa lang alam ko na meron akong pag-asa
Ngunit wala pala
'Di ko na alam ang kasunod na nito kasi tayo ay masaya na
'Tas bigla mo na lang sasabihin sa 'kin na ayaw mo
Dapat una pa lang ay sinabi mo
'Di na sana umabot pa sa ganito
Minsan nakakainis lang isipin na parang 'di mo' ko kayang tanggapin
Sino nga ba naman ako sa 'yo
Para sagutin ang tulad ko
Ang mahalaga'y nalaman ko sa 'yo
Na 'di ako ang gusto mo
Ba't ngayon ko pa nalaman
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
Para 'kong magigiba
Sobra ka lang palang nahihiya
Na sabihin sa 'kin
Na 'di pala ako 'yung tipo mong lalaki
Tagal mong 'di sinabi
Hinayaan mo na maaksaya
'Yung mga bagay na tinuon ko
Para sa katulad mo na hiniling kong mapasa'kin
Hahamakin ang lahat malagyan ko lang ang ngiti mo
Ngunit hindi pa pala ako
Ang gusto mo na magtatanong
Kung "oo" ka ba sa 'kin
Bakit ngayon mo lang inamin
Kung kailan napapamahal na ako sa iyo
Ng totoo hindi naman kasi dapat nagkakaganito
Sana man lang inisip mo ang pakiramdam ko
Sino nga ba naman ako sa 'yo
Para sagutin ang tulad ko
Ang mahalaga'y nalaman ko sa 'yo
Na 'di ako ang gusto mo
Ba't ngayon ko pa nalaman
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
Para 'kong magigiba
Sobra ka lang palang nahihiya
Na sabihin sa 'kin
Sino nga ba naman ako sa 'yo
Para sagutin ang tulad ko
Ang mahalaga'y nalaman ko sa 'yo
Na 'di ako ang gusto mo
Ba't ngayon ko pa nalaman
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
Para 'kong magigiba
Sobra ka lang palang nahihiya
Na sabihin sa 'kin
Writer(s): Jerome De Leon, Rome Lagarde, Ronald Abasta
- AZLyrics
- S
- Soulstice Lyrics
You May Also Like
TJ Monterde - "Malay Mo, Tayo" Napapaisip, nananaginip
Baka sakaling tayo sa huli
Ayaw silipin, na alanganin
Nagpapaniwalang 'di natin masabi
Ang plano sa'tin ng tadhana
Ba't ba parang may pag-asa
Klarong wala, kaso baka
Malay...
Yayoi Corpuz - "Ingatan Mo" Kamusta ka na? Kamusta na siya?
Balita ko masaya na kayong dalawa
Yung mga plano namin noon
Ginagawaniyo na rin ngayon
Hinahanap ko pa rin yung dating binitawan
Ko sa mali naming panahon
Kasalanan ko...
Bandang Lapis - "Sana'y Di Nalang" Ginawa ko naman lahat
Sumugal ako kahit alam kong talo
Iginugol ko lahat ng oras ko sayo
Para maramdaman mo lang na ganyan kita kamahal
Pero pang wala lang sayo
Ang lahat ng mga paghihirap ko...
Jom & Clien - "Tanging Ikaw" Hindi mo na ba kayang magtagal
Ikaw ba'y nahihirapan na
Kaya gumagawa ka na ng paraan para ika'y iwanan na
Palagi mong tinatanong kung bakit andirito
Kahit na sinasabi mong pagod ka na
Umaasa akong...
Nik Makino - "BIRO" Di na mag papakipot sayo, yeah
Di ba gusto mo rin ako, yeah
Halata sa galaw mo
Pag katabe mo ako
Di ka mapakale oh, di mo alam ang gagawin mo
Nauutal utal kapa, kapag kausap ako
Nabubulol bulol kapa...