"Dalangin" lyrics

"Dalangin"

Lahat ng hapdi'y nakalimutan
Pinawi maging ang kalungkutan
Makapigil hininga na kagandahan
Uunahin ka maging kahit kanino man
Bukang-liwayway sa kalupaan
Tila abot-kamay na ang kalangitan
Tunay ngang wala kang kapintasan
Kung ako'y hahayaan, hindi ka na bibitawan

Oh, kay tagal kang hinintay
Napagod kong puso'y sa'yo na mahihimlay

Dalangin, oh, aking dalangin
Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo
Yakapin, hayaang yakapin
Sa oras na ika'y bigo, sa'yo'y hinding hindi susuko

Hiwaga na hindi namamaalam
Biyayang tinuturing ng mangilan-ngilan
Maaari bang sa piling ko'y manahan?
Natatanging kayamanang matuturing na tahanan

Oh, kay tagal kang hinintay
Napagod kong puso'y sa'yo na mahihimlay

Dalangin, oh, aking dalangin
Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo
Yakapin, hayaang yakapin
Sa oras na ika'y bigo sa'yo'y hinding hindi susuko
Dalangin, oh, aking dalangin
Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo
Yakapin, hayaang yakapin
Sa oras na ika'y bigo sa'yo'y hinding hindi susuko

Hinding-hindi susuko


You May Also Like
Munimuni - "Solomon" Noong ika'y dumaan Anong nakita ko? Hindi ko alam Basta naramdaman Basta natuklasan Ang boses mo'y waring Bulong ng puno Sa umagang kay tahimik At doon ko narinig Ang awit ng pag-ibig O irog, dinig...
Jem Cubil - "Midnight Streetlight" Running in circles In our own paradise I can tell by your look Fire had turned to ice As it is fading See how I'm hurting I try to pull it together My voice is breaking My hands are shaking Baby for...
December Avenue - "Polaris" It's on you To see the world in a different point of view For all the many questions that have left you afraid It's on you To see a different world in front of you To find the answers right inside...
Kenaniah - "Stay" So sick of this situation Loving you through my phone I wanna be with you forever I'm tired of bein' alone Finally now We are together But you said you're leaving this town For good Can we stay...
Cup Of Joe - "Hayaan" Ngayo'y bumabalik ang mga alaalang kay pait Muling naririnig ang mga salitang iyong nasambit Nadarama muli ang mga yakap mong mahigpit Kaya hayaan sana na ako ngayo'y mapag-isa Isara ang pinto,...