"Paki Sabi" lyrics

"Paki Sabi"

Bakit ba ako nalilito?
Kung saan saan humihinto
Para lang makita mo akong
Naghihintay lang para sa'yo

Ikaw lang ang laman ng aking puso
Lagi kang tumatakbo sa isip ko
'Di na makatulog sa gabi
Iginapos mo ako ng 'yong ngiti

Oh, ilan kayang bituin
Ang bibilangin ko para sa'yo
Oh, ilan kayang mundo
Ang lilibutin ko makita lang na ako ay totoo

Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas hahalaga
Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas sasaya pa
Paki sabi nalang sa kaniya
Na mahal ko siya

Bakit ka pa ba nalilito?
Kung sino sino ang pinupunto
Wala ng mas magmamahal sa'yo
At ang puso kong ito'y para sa'yo

Oh, ilan kayang bituin
Ang bibilangin ko para sa iyo
Ilan kayang mundo
Ang lilibutin ko makita lang na ako ay totoo

Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas hahalaga
Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas sasaya pa
Paki sabi nalang sakaniya
Na mahal ko siya

Andito lang naman ako
Nadarama mo ba, itong pagibig ko?

Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas hahalaga
Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas sasaya pa
Paki sabi nalang sakaniya
Na mahal ko siya

Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas hahalaga
Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas sasaya pa
Paki sabi nalang sakaniya
Na mahal ko siya
Na mahal ko siya


Writer(s): Daniel Jon Blanco Quimson
You May Also Like
Arthur Nery - "Got Me Tangled" You got me tangled on your beauty And all them tales baby, all them memories Girl, you're my haven, sanctuary You put my flame on spontaneously Babe, our love is alive We could raise our voices at...
HYBS - "Ride" It's closer to midnight Still we're talking just us two Surrounded by the stars Oh, they're shining just for you It's getting colder, baby Let me keep you warm all night Tell me what you wanna do...
Up Dharma Down - "Tadhana" Sa hindi inaasahang Pagtatagpo ng mga mundo May minsan lang na nagdugtong, Damang dama na ang ugong nito 'Di pa ba sapat ang sakit at lahat Na hinding hindi ko ipararanas saýo Ibinubunyag ka ng iyong...
Ben & Ben - "Langyang Pag-Ibig" Langyang pag-ibig 'yan Ang dami mong isusugal Kung balak mo akong iwan O ba't mo pa'ko minahal? Tanda ko pa ang panghuli mong Katamis na mga salita Sabi mo, di mo nako mapapasaya Kaya't aalis ka na...
Dilaw - "Kaloy" Barya, barya lang po sa umaga Anya ni Kaloy na habang buhay nang mamasada Usog, mausok, 'wag magtulakan 'Wag maghilaan, lahat mabibigyan Oh, Kaloy, oh, Kaloy na sa'yo raw ang lunas Ang ilaw ng...