"Tayo Pa Rin Pala" lyrics
TJ Monterde & KZ Tandingan Lyrics
"Tayo Pa Rin Pala"
[KZ:]
Akalain mo sa hinaba ng takbo
Dito pa rin ang tagpo
Pumili ng iba, pansamantala pala
Panahon ay di tumugma
Kaya pala ako'y binabalik sa simula
Kung saan ay nanduon ka pa
Ikaw pa rin pala ang makakasama
Tayo pa rin pala ang itinadhana
Tayo pa rin pala
[TJ:]
Ako'y aamin na minsa'y pagtingin
Pinili ko lang di pansinin
Sinubukang bumuo ng sarili kong mundo
Sayo pala'ng ikot nito
Kaya pala ako'y binabalik sa simula
Kung saan ay nanduon ka pa
Ikaw pa rin pala ang makakasama
Tayo pa rin pala ang itinadhana
Tayo pa rin pala
[Both:]
Kahit anong iwas
Ng puso kong mabigkas
Sayo at sayo parin ang wakas
Ikaw pa rin pala ang makakasama
Tayo pa rin pala ang itinadhana
Tayo pa rin pala
Ikaw pa rin pala ang makakasama
Tayo pa rin pala ang itinadhana
Tayo pa rin pala
Akalain mo sa hinaba ng takbo
Dito pa rin ang tagpo
Thanks to Faithyyyygirl for adding these lyrics.
- AZLyrics
- T
- TJ Monterde Lyrics