"ANAK NG ETIVAC" lyrics
Baloy, Uncle Dags, Mhot & Batang Kamagong Lyrics
"ANAK NG ETIVAC"
(feat. GMAC CROWN, Mobb & J-High)
Yo, yo
Natural 'yung angas 'pag ika'y taga-Cavite
Natural 'yung tikas 'pag ika'y taga-Cavite
May dila na matalas 'pag ika'y taga-Cavite
'Pag minalas, walang takas sa Cavite
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Yo, straight out to Bacoor, safe 'yung nakabakat
Checkmate nakatapat, fake 'di 'yan sasapat
Sa Cavite parang may maze, lowkey para 'di ma-trace 'yung kalaban
Na-erase, sinong balagbag?
Magdalo sa gyera, kunin ang pera, tapos magdiwang
'Wag kang puro teka, dami nangmema, mga 'lang bilang
Mababalatengga, mga pabida na isinilang
Binabandera ang ating bandila, kita 'yung gilas hanggang Manila
Prominente mala-El Presidente, tikas permanente, kahit indipidyente
Walang bawal-bawal, 'pag mali, may rebelde
Pero 'wag mo kaming ituturing
Walang gang shit, pumapalag nang solo 'to
Tanging pagiging Caviteño, dala ng lehitimo
Raratratin kita, gamit ang aming simbolo
'Di mo matatanggi, dito hulmahan ng iyong idolo
Yo, yo
Natural 'yung angas 'pag ika'y taga-Cavite
Natural 'yung tikas 'pag ika'y taga-Cavite
May dila na matalas 'pag ika'y taga-Cavite
'Pag minalas, walang takas sa Cavite
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami anak ng Cavite, lahat ay panganay
Malupit talaga kami, 'di ka pa nasanay
Hakot medalya, kahit sa'n bumabagay
May karamihan ng sikat ay dito nakahanay
Hah, lalong tumatalim, hah, lalong gumagaling
Hah, para may aanihin, lahat tinatanim
Pinatay ko na lahat nang nagbabalak
Ano papalakpak ka ba o papalakda?
Lahat sila tagang-taga, nilamon nang walang kaba
Pa'no pa dadagain 'to kung kasama ang daga
Walang kagaya, 'di kaya nang manggagaya
'Pag bayan 'di nandadaya, kayang makipagsabayan, ah, yeah
Bago ko galawan, lahat pinaplano, aangat kapag Cavite, binaba mo
Ah, 'di na pana-panahon, lahat pinapalago
'Di na nagkakataon, sibak kayong lahat kapag kayo kinamagong
Reppin' 4118, batang Pulihan
Dami dito sa'ming heavyweight, 'di lang pang-bullyhan
Usapang rap hip-hop-an o debate, wala sa hulihan
'Lam 'yan ng mga veterans kung gaano ka-delikads
Patas ang papatas, syempre tuso rin sa tuso
Pagka abot ng alak, may kasama pa 'yang usok
Caviteño mabait, 'wag ka lang abuso
Baka masampiga ka nang bigla, 'pag nainguso
Bawal tira-pasok, 'wag mag-inaso-aso
Kung ayaw mo ng kaltok, 'wag masyadong mag-aso
Bago mag-amok, siguraduhing 'di takot, baka sa Banaba pa lang 'di ka na tumagos
'Yung tigas mo, 'di 'yan uubra sa taga-Narra, dambalasik dami sa Acacia, nakabalandra
'Tsaka Anahaw at Tiping Pula't Asul, tandang mga bandana
'Pag tinalo mo taga-Etivac, dapat nakahanda ka
Yo, yo
Natural 'yung angas 'pag ika'y taga-Cavite
Natural 'yung tikas 'pag ika'y taga-Cavite
May dila na matalas 'pag ika'y taga-Cavite
'Pag minalas, walang takas sa Cavite
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Sa Dasma, Etivac, nang nagka-edad, batang Area One
Alam mong mabigat, ano mang tema, laging may laman
Simbolo ay armalite, disenyong inimprentahan
Kaya nga 'pag Cavite de-kalibre 'pag lumetra 'yan
Naging gutom sa gyera, kada laban foodtrip
Naangasan ka na parang may kagat pang toothpick
Pero kahit 'di na magyabang, pangalan naka-ukit
May mga paa sa lupang mala-Nardong Putik
Himalang 'di malupig, kahit medisina nirorolyo
'Yung papel, may berde, gamot na parang koyo
Nung edad ko, toto, 'di lang basta oo
Sa gulang ni Emilio, hindi nagpapagoyo
Masakit man totoo talagang minsan madugo
May ilang makapangyarihan sa kasakiman nabuo
Lalawigang tila naging libingan nang alitan at gulo
Naging sementeryo nung supremo 'di na nakita 'yung buto
'Di ka galing sa kalsada kung wala kang bimpo
Matunog pa sa granada parang Caviteño
Hinulma sa pangarap, taga-sulok may disenyo
Dalubhasa ang talento, dumudurog ng asero
Ganito ang mga dapat niyo na pakinggan
Umuulan na mga bara parang gatling gun (Brr)
Kung Cavite ang usapan, malagim
'Nak ng puta ibahin, natural na 'di baril
Asintado 'pag tumutok naka-sentro
Dambalasik pagka gumarote mga 'teño
Ora mismo, bulagta sa putikan
Alam mong isang pisa, 'pag merong binalikan
Mas malalim ang ugat sa datihan
Habang kami nagbibilang, kayo pa'y nasa anihan
Nakatatak na sa Cavite, ang pangalang batikan
Beteranong hip-hop, boom bap, pakinggan
Yo, yo
Natural 'yung angas 'pag ika'y taga-Cavite
Natural 'yung tikas 'pag ika'y taga-Cavite
May dila na matalas 'pag ika'y taga-Cavite
'Pag minalas, walang takas sa Cavite
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Maligayang pagdating sa lalawigan ng Cavite
Agimat at Bertud, mga armas na de-kalibre
Chavacano drive by, naka-Auner, naka-armalite
Mga pendeho sa'min ay nabubuwal silang dilat
'Wag ka nang tumesting kung ayaw makanti
Kung chillerong taga-dito, sasayaw ng bakte
Naku, bigti, nakasabit, kung sa'n lang dito ikakahon
'Di na bago sa'min sa talahiban ka lang tatapon
[?] tatlong martyr, 'di ka sa'kin makaka-apir
Amoy ka namin sa Indang ka na lang magdi-disappear
Kung mga Caviteña naman ang pag-uusapan
Kay Marian Rivera pa lang tapos na boksingan
Ipangalandakan, Cavite malupit
Parang Mexico Cartel, 'di pupwedeng itanggi
Tahanan ng mandirigma, galawang dalubhasa
Na may palabra de honor, hindi kami na basta-basta
'Pag lumapag ako, wala kang angal
Nakabalot lang sa bimpo mga bakal
Drive by naka-Auner sa lansangan
Mga pisan, nakasunod lang 'pag kailangan
Ito ang storya ko kung sa'n ako lumaki (Saan?)
Sa makasaysayang bayan ng Cavite
Kaya ayusin niyo, ugali mo (Bakit?)
Kung gusto mo na manatili
Step one sa Etivac, 'di pupwede balimbing, 'wag na 'wag
Kang tatapat kung 'di ka rin naman papalag
'Pag narinig 'yung palatak, may sasapak
Sa mga whack na putapete, sa talaba pa lang 'di ka pupwede
'Pag natanaw mo na 'yung Mercedes, nakasakay do'n 'yung edilehente
Na meron kwente sa kaliwa, 'yung pag-uwi ko, ba't nag-iba?
Mas mabalasik kapag 'yung classic 'yung nilabas ko dito na daga
Kaya tawaging Batman ng Cavite, kahit madilim may mata 'to ng paniki
Ugali namin rekta, 'di kami pabitin, parang ibang planeta 'pag tiga-Cavite
Paalala puta sa'min eh, hayop eh, [?]
Meron kaming anting-anting 'tsaka agimat din
'Pag sinabi mo na tiga-Cavite, walang papalit
[?], madalas na papalit
Yo, yo
Natural 'yung angas 'pag ika'y taga-Cavite
Natural 'yung tikas 'pag ika'y taga-Cavite
May dila na matalas 'pag ika'y taga-Cavite
'Pag minalas, walang takas sa Cavite
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
Kami'y anak ng Cavite (Anak ng Cavite)
- AZLyrics
- U
- Uncle Dags Lyrics
You May Also Like
Shanti Dope - "Rolex" Parang droga ako gustong masubukan ng mga to yes oo wala
Ko'ng oras sa mga to maski tignan mo sa Rolex ko
Meron ako'ng sugat na hindi kaya gamutin ng milyones ko
Nagiging pera kapag sinabay ko na sa...
Gloc-9 - "Magda" Magdalena ano'ng problema
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon
Magdalena ano'ng problema
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama...
Hev Abi - "Iced Coffee O Mango Shake" Pagod ka na naman sa trabaho
Oh, nakabusangot na naman ulit
'Di ba sabi sa'yo, magkakampi tayo?
'Wag ka naman dito sa'kin magsungit
Kumain ka na ba? (Kumain ka na ba?)
Gusto mo ng kape? (Gusto ba ng...
JRoa - "Larawan" Tanging larawan, tanging larawan, tanging larawan mo
Tanging larawan, tanging larawan, tanging larawan mo
Tanging alaala mo na lamang bang tanging hawak ko
At ang mga matatamis na yakap at halik sa...
Apekz - "Blue Dreams" 360, panorama
Kitang kita ko yung view
Inabot sakin ni putch yung alak
Napa lingon sya dahil sa perfume
Yung hikaw ko blu yung stone
Oh baby you know what we on on on
Masyadong gigil noon ngayon...