"Mahal Mo Parin Ako" lyrics

"Mahal Mo Parin Ako"

Di nagsabi, bigla lang nawala
Dala mo ang lahat ng gamit at may liham sa mesa
Ang sabi mo kailangan mo ng pahinga
Di ko alam ang iisipin, asan ka na kaya

Naaalala ko lahat ng iyong pangarap
Nais mo na magkasama tayo sa pagtanda
Habang buhay ko itong panghahawakan
Para sa'yo mga problema gagawan ko ng paraan

Kung di pa natatapos ang lahat
Hindi ako susuko kahit na nasasaktan
Kung di pa natatapos ang lahat
Pipilitin ko
Umaasa parin ako
Na mahal mo parin ako

Buong gabi litong lito at tulala
Binabalikan ko sa isipan kung san ba nagsimula
Napansin ko na ring may iba sa'yong mata
Mapagpanggap ang iyong ngiti, ito'y pinagwalang bahala

Naaalala ko lahat ng iyong pangarap
Nais mo na magkasama tayo sa pagtanda
Habang buhay ko itong panghahawakan
Para sa'yo mga problema gagawan ko ng paraan

Kung di pa natatapos ang lahat
Hindi ako susuko kahit na nasasaktan
Kung di pa natatapos ang lahat
Pipilitin ko
Umaasa parin akong
Na mahal mo parin ako

Kung di pa natatapos ang lahat
Hindi ako susuko kahit na nasasaktan
Kung di pa natatapos ang lahat
Pipilitin ko
Umaasa parin akong
Na mahal mo parin ako
Mahal mo parin ako


You May Also Like
Agsunta - "Patawad Na" 'Wag ka nang magalit sa'kin 'Wag mo nang isip-isipin 'Wag ka nang magalit 'Di na ko uulit 'Wag ka nang malungkot Wala na akong palusot Inaamin ko ang kasalanan ko sa'yo Patawad na, mahal Ikaw at...
Clara Benin - "It's Okay" Heavy is the mind that's filled with worry Paralyzed by sad news on TV All I get from sleep are these strange and apocalyptic dreams How do I make them leave? I muster all my strength and look out...
SUD - "Huwag Na Huwag Mong Sasabihin" May gusto ka bang sabihin Ba't 'di mapakali Ni hindi makatingin Sana'y 'wag mo na 'tong palipasin At subukan lutasin Sa mga isinabi mong na Iba'ng nararapat sa akin Na tunay kong mamahalin Oh woh...
Autotelic - "Iwan" Ilang beses kong sinubukang iwanan Bumitiw na sa lahat ng kinakapitan Malaman lang ang dahilan kung bakit Nalilito, bumibigat, sumasakit Bakit hindi kayang aminin Bakit ang hirap tanggapin Di...
Soapdish - "Tensionado" Tensionado Nagulat din ako nung malaman Na hindi lang pala ako yung nanghinayang Nung nag away tayo nu'n At natuluyan sa iyakan at tampo At sandali lang Huwag ka munang magsalita 'Di ko hahayaan...