"May Puso Rin Kami" lyrics

"May Puso Rin Kami"

Mga bakla man kami
At mga dating lalaki
Hindi naman kami manloloko
At handang magmahal sayo

May puso din naman kami
At marunong ding umibig
Sana naman ang tinig namin
Ay marinig

Nababaliw ang puso ko na lagi ng sugatan
Kung bakit sa pag-ibig kami'y laging luhaan
Nagseryoso naman ako ngunit bakit niloko
Ng isang lalaki na kala ko'y mahal ako

Binigay ko namang lahat ang puso ko't kaluluwa
May kasama pang motor na pang stroll stroll niya
Ngunit bakit ganun di pa rin sya masaya
Baka naman motor sa tubig na ang kailangan nya

Ang laht ay gagawin wag ka lang mawala sa akin
Di naman ako naghahangad ng todo mong mahalin
Tratuhin lang ng tama at ako ay respetuhin
Simple lang ang nais ko sapat na yan sa akin

Mga bakla man kami
At mga dating lalaki
Hindi naman kami manloloko
At handang magmahal sayo

May puso din naman kami
At marunong ding umibig
Sana naman ang tinig namin
Ay marinig

Wala namang masama kung gastusan namin ang jowa
Ganun naman ang pag-ibig handang magparaya
Pero sana naman wag lang laging pera pera
Masuklian din sana ng tamang pakikisama

May mga lalaking ang kapal ng mukha
Nang maibili ng cellphone naglaho na lang bigla
Di ko naman alam may lahi pa lang snatcher
Ayun ang bakla umiiyak at nagpablotter

Mga bakla man kami
At mga dating lalaki
Hindi naman kami manloloko
At handang magmahal sayo

May puso din naman kami
At marunong ding umibig
Sana naman ang tinig namin
Ay marinig nyo rin

Pero kahit anong pait ng naranasan
Ang saya nitong pag-ibig ay di matutumbasan
Meron mang luhang pumatak sayong pisngi
May oras din namang kinikilig at ngumingiti

Ngunit kayo'y mag ingat sa baklang nasawi
Dahil iba rumesbak ang pusong mahapdi
Lokohin mo na ang lasing at bagong gising
Huwag lang ang bading na naagawan ng booking

May puso rin naman kami at marunong ding umibig
Sana naman ang tinig namin ay marinig

Mga bakla man kami
At mga dating lalaki
Hindi naman kami manloloko
At handang magmahal sayo

May puso din naman kami
At marunong ding umibig
Sana naman ang tinig namin


Writer(s): Christian Martinez
You May Also Like
Smugglaz - "Nakakamiss" Na na na na Na na na na Na na na na na na na... Na na na na Na na na na Na na na na na na na na na... Madaming nangyari, taon ang binilang Ka-jamming, kumpare, napapangti lang Ngayon naalala, maulit...
Donna Cruz - "Isang Tanong, Isang Sagot" Isang tanong, isang sagot Wala na ngang ikot-ikot Gusto ko lang liwanagin Ako ba ay mahal mo rin? Nakita ko sa kilos mo Na may tibok rin ang puso Wala ka lang sinasabi Bitin tuloy ako Ang hirap na...
Jimmy Bondoc - "I Believe" I believe Na ikaw lang at ako Kung kaya't tayo ay pinagtagpo I believe Ang kapalaran mo'y ako At sana ay ganun din ang puso mo Noong una ay hindi mo ako gusto Kaibigan lang ang turing mo Paano na...
Janine Berdin - "Nasa Puso" Hindi lahat ng kumikinang ay maganda Hindi lahat ng maganda ay mahalaga Hindi lahat ng mahalaga'y tunay Mas mabuti ang pusong nagmamahal May mga bagay na 'di maintindihan Buhay ay maraming dahilan...
Jireh Lim - "Pagsuko" Maari ba muna natin tong pagusapan Sa dami-rami na ng ating pinag daanan Ngayon mo pa ba maiisipang isuko Ang lahat ng ating pinag samahan Masikip sa damdamin hinigop ng hangin Ang lakas, pinag...