"Ikaw Ang Musika" lyrics

Wilbert Ross & Bea Binene Lyrics

"Ikaw Ang Musika"

Pagmulat ng mata kasama na kita
Sinasangga ang laban sa'n man tayo mapunta
Sunud-sunuran sa laruan hanggang sa eskwela
'Di na humiwalay, tayo na ba ang tinadhana

Nagkagusto man ako sa kanya
Ikaw pa rin ang nais kong makasama
Walang iba

Bawat tingin, tono sa tenga'y humihiling
'Pagkat sa bawat minuto gusto kang pagmasdan
Ewan ko ba ano ba 'tong nadarama
Humahalo sa agos ng pusong takang-taka

Ikaw na ang laman ng musika
Bawat tinig sa gitara
Sabay sa bagyo ng isip
Pa'no nga ba sasabihin
Kung lumalim ang damdamin
Hahayaan ba o aking aaminin
Pa'no na

Ohh hoh...
Tororo-toro...
Tororo-toto...

Natapos na'ng araw ako lang at ikaw
Ganda ng ulap ang damdamin ko'y umaapaw
Nakaupo magkatabi't kasama ang gitara
Nakatingin sa 'yo ramdam ang pusong guminhawa

Kaba sa puso nararamdaman
Ngayon na ba o kailan mo malalamang
Mahal kita

Bawat tingin, tono sa tenga'y humihiling
'Pagkat sa bawat minuto gusto kang pagmasdan
Ewan ko ba, ano ba 'tong nadarama
Humahalo sa agos ng pusong takang-taka

Ikaw na ang laman ng musika
Bawat tinig sa gitara
Sabay sa bagyo ng isip
Ating puso nang malaman ang pag-aming
Pareho tayo ng damdamin
Ika'y mamahalin
Paano na
'Di ko na kayang manatili pa
Huwag mo sa 'king sasabihing tama na

Kaya pala
Sana ay hindi ka na nakilala
Naaalala mong nangako ka, 'di ba

Ikaw pa rin ang laman ng musika
Bawat sigaw ng melodiya
Sabay sa tibok ng puso
Habangbuhay hawak-hawak ang iyong kamay
Mananatili sa iyong tabi
Pangako 'di ka bibitawan

Oh pangako hindi ka bibitawan
(Hindi ka bibitawan)
Pangako 'di ka bibitawan


You May Also Like
Kyle Raphael - "BB" Nabibighani sa'yong gandang 'Di maikukumpara kahit kanino pa Oh, alam mo ba 'Di nakakasawang titigan ka Oh, baby, please Hayaan mo 'kong ibigin ka At baka bukas Makuha ko na rin ang iyong pagtingin...
KZ Tandingan - "Nagmamahal Lang Ako" Kay tagal kong nilhim Nilalaman ng damdamin Naitanong pa sa sarili ko Puso ko ba ay depektibo? Ibinaon nang kay lalim Liwanag ko'y itinago sa dilim Dahil ang itim ay para lang sa puti Ba't nakikita...
Belle Mariano - "Tanging Dahilan" Giliw, lumapit ka sa akin Mayron akong gustong aminin Bakit ang tamis ng hangin tuwing ika'y nakatingin? Di ko napansing binabalik ko rin ang lambing Di na kayang ipagwalang-bahala Ang dinadala ng...
Amiel Sol - "Ikaw Lang Patutunguhan" Minamasdan na naman ang kawalan Ako'y hinahatid ng mga bituin sa 'yo Sa'n man maglayag Ikaw lang patutunguhan At sa aking pagdating Sa 'yo ko lang sasabihing Kay palad na ikaw Ang kapiling ko sa...
Bandang Lapis - "Huling Mensahe" Hanggang dito na lamang ba Lagi na lang nasasaktan ng ganito Ano bang aking nagawa bigla kang nanlamig Ibinigay ko naman lahat Pati ang buhay ko Eto ba ang sukli sa pagmamahal na inalay ko sa 'yo...