"Hamon Ng Mundo" lyrics
"Hamon Ng Mundo"
Buhay natin ay katulad ng isang pelikula
Sari-saring yugto, 'di mo agad makikita
Laging may simula at wakas ang istorya
Minsa'y nagpapaluha at nagpapasaya
Iba't ibang tema ang matutunghayan
At tunay ngang ang buhay natin ay ganyan
Sadyang 'di mo alam ang daang patutunguhan
Ang tama at dapat gawin ay laging lumaban
Mabubuhay tayo, ito ay minsan lang
Ang hamon ng mundo ay 'wag tatakasan
At hindi mo makikita kung ano ang dulo
Kung hindi mo susubukan bawat hamon sa'yo
Parang pelikula, kung minsan ay talo
Ngunit mayro'n namang kay dami ng gumugusto
Sadyang 'di mo alam ang bawat wakas
Araw ba ay sisikat sa pagdating ng bukas?
Sadyang 'di mo alam ang daang patutunguhan
Ang tama at dapat gawin ay laging lumaban
Mabubuhay tayo, ito ay minsan lang
Ang hamon ng mundo ay 'wag tatakasan
Oh, whoa, ooh-ooh
Whoa, oh, ooh-ooh
Sadyang 'di mo alam ang daang patutunguhan
Ang tama at dapat gawin ay laging lumaban
Mabubuhay tayo, ito ay minsan lang
Ang hamon ng mundo ay 'wag tatakasan
Writer(s): Yeng Constantino
- AZLyrics
- Y
- Yeng Constantino Lyrics
You May Also Like
Jnske - "Oras" Nasanay ka nang walang umiintindi sa'yo
Kaya pala ako ang laging hanap-hanap mo
Limitadong oras sa'kin mo inubos, dito sa'king kwarto
Galing sa malayo, ikaw ay napadayo
Nasanay ka na dito parang ayaw...
Jay R - "Kung Mahal Mo Siya" Di ko kayang mag isa
Dahil kailanman ay laging ikaw
Ang syang iibigin ko sa tuwina
Di mo man sabihin
Ang nasa damdamin ay nadaramang lumalayo
Ka na ngayon sa akin
Kung mahal mo siya
Ay pipilitin ko...
Nobita - "Bukang Liwayway" Bukang liwayway na buksan ang iyong mata
Kuhain ang panyo punasan na
Tumigil ang mundo sandali sa piling mo
Bumangon tumayo tumahan ka
Bumangon tumayo't umaga na
Tila'y walang katapusan ang pait na...
Jireh Lim - "Ayokong Masanay" Ayaw ko 'tong nadarama sa t'wing ikaw ay nakikita
'Di ka pa nawawala, namimiss agad kita
Sa yakap mo'y 'di na makawala
Sa dami na ng aking napuntahan
Ngayon ko lang 'to tanging naramdaman
Gusto ko...
Jr Crown - "'Di Na Tanga" Di kita mahagilap nung kailangan kita
Ngayon bumabalik kase kailangan mo na
Yung puso di na gagana kase di na tanga
Kung noon mahal ka ngayon putang ina ka
Di kita mahagilap nung kailangan kita...