"Milagro (Demo)" lyrics

"Milagro (Demo)"

Unang iglap
Alam ko may patutunguhan na 'to
Kasi iba na talaga ang kutob ko
Nakikita ka na kung saan-saan
Nakangiti na lang sa kisame ng kwarto

Nako lagot na
Hindi na
Makatulog sa gabi
Sa kakaisip na
Ikaw ay katabi
Imahinasyong hanggang sa panaginip
Iba na talaga
Ako'y yari na

'Wag sana
'Wag sanang sasaktan pusong may tama
Ayoko nang umiiyak sa kama
Seryosohin mo nalang ako
Humihingi ako ng milagro sa'yo

Hindi magtataka kung marami na sila
Nakapila sa kagandahan mong
Walang makumpara
Pero medyo parang madaya kung paano nilikha
Siguro ba na 'di ka anghel na nahulog pababa

Medyo nakakakaba, alam mo naman siguro gusto kita
'Di ko lang masabi sa'yo, ang hirap mong titigan sa mata
Masyado kang perpekto
Sino ba ako
Simple lang na tao
Na nahuhulog na sa'yo

Nako lagot na
Hindi na
Makatulog sa gabi
Sa kakaisip na
Ikaw ay katabi
Imahinasyong hanggang sa panaginip
Iba na talaga
Ako'y yari na

'Wag sana
'Wag sanang sasaktan pusong may tama
Ayoko nang umiiyak sa kama
Seryosohin mo nalang ako
Humihingi ako ng milagro

'Wag sana
'Wag sanang bibigyan ng problema
Ayoko nang umiiyak sa kama
Seryosohin mo na lang ako
Isa lang hiling sa'yo

Oh, isang milagro
Oh, isang milagro
Oh, isang milagro
Oh, isang milagro
Oh, isang milagro
Oh, isang milagro
Oh, isang milagro
Oh, isang milagro
Oh, isang milagro