"Hoy!" lyrics

"Hoy!"

Kailangan bang aminin pa
Kung kita naman sa 'king
Ginagawa ang ibig kong sabihin
Halata naman sa titig ko
Ang aking pagtingin
Para sa 'yo 'di mo pa rin napagtatanto

Eh, ewan ko ba sa iyo
Paulit-ulit na nga 'ko
Pero

Ba't 'di mo pa rin ako napapansin
Halata naman na sa 'king kilos
Nagkakanda-maos na nga ang puso ko
Kakasigaw
Sa pangalan mo paraluman
Ano ba naman
Hanggang kailan mag-aabang sa 'yo

Oh oh oh, whoa oh
Oh oh oh, whoa oh
Ah, ah, ah, ah, ah

Ninanais kang kapiling
Makatabi sa gabing malamig
Imahinasyon ko
Kailan kaya magkakatotoo
Kasi naman
Bakit nagbubulag-bulagan pa
Walangya 'di pa rin ba halata
Sadya mo bang binabalewa ako

Eh, ewan ko ba sa 'yo
Paulit-ulit na nga 'ko
Pero

Ba't 'di mo pa rin ako napapansin
Halata naman na sa 'king kilos
Nagkakanda-maos na nga ang puso ko
Kakasigaw
Sa pangalan mo paraluman
Ano ba naman
Hanggang kailan mag-aabang sa 'yo

Nagpaparamdam di dam di dam dam
Nagpaparamdam di dam di dam dam
Damdamin ko'y nag-aabang habang
Walang

Kasiguraduhan ang pinaglalaanan
Kailan sasamahan nagmumukha na 'kong
Tangang hibang na maulanan
Ng sampagita na hangad ay magmula
Mismo sa 'yo
Mismo sa 'yo

Mukhang wala kang balak na pansinin

Kung ayaw mo 'wag na lang
Hindi ko pagpipilitan
Ang sarili sa 'yo
Ang sarili sa 'yo
Kung ayaw mo 'wag na lang
Hindi ko pagpipilitan
Ang sarili sa 'yo
Ang sarili sa 'yo


Writer(s): Adrian Garcia
You May Also Like
Itchyworms - "Love Team" 'Di, 'di naman talaga Tayo mag-sinta Pero gusto nila, kahit ayaw mo Bagay raw tayo 'Di naman totoo mga yakap mo Pang-eksena lamang ito Di mo lang alam Na nababaliw na 'ko sa iyo Di ko na yata kaya...
Justin Vasquez - "Fly You To The Moon" I'll fly you to the moon A place for me and you Tell me what you wanna do I wanna take you to the moon Can I take you? Yeah I sing you this lullaby Oh close your eyes And listen to my heart beat...
Autotelic - "Languyin" Ikaw at ako magkaibang mundo Karagatan ang pumapagitan sa atin Handa na akong tawirin ito Makuha lang kung anong alam kong sa akin Mundo ko'y baliktarin, Babalik-balik ka rin Tila di nauubusan ng...
SunKissed Lola - "Dal'wang Patinig" Ama namin Maaari kayang Mga tuhod magkabilaang Nangangapal kakaluhod sa Harapan ng salamin parang hibang Panay ang tanong kung "Maaari bang mapasakin ka't Mapasaiyo ako yan ang Paborito kong...
December Avenue - "Ilang Beses Kita Mamahalin?" Paulit ulit ang laman ng isip Pinipilit ka na magkatotoo Sa panaginip hawak ang iyong kamay Ginu-guhit ka sa tunay kong mundo Para saan ang nararamdaman Kung pwedeng umibig ng walang dahilan? Kahit...