"Reseta" lyrics

"Reseta"

Tahimik at nag-iisa
Paminsa'y nakatulala
Wala nang pake sa iba
Sakit ay balewala
Tahimik at nag-iisa
Sarili'y 'di kinumpara
Sa ingay ng aking paligid
Hindi na 'ko matutumba

Ang mga huni sa bintana'y senyales ng pag-ulan
Pwede ding hudyat ng araw sa gitna ng karagatan
Gustong matanaw ang langit ngunit kadiliman
Ang bumalot sa isipan, ano ang paniniwalaan?
Nasan ang katotohanan?

Kamusta ka na anak?
Kamusta na ang pakiramdam, mabigat ba anak?
Nakita kang nakahandusay at wala ng malay
Nung nakarinig ako ng malakas na ingay
Ay tinawag si Tatay at ika'y inakay dito sa ospital at
Matagal, tagal na proseso bago nakahinga na
Parang pakiramdam ng ika'y aking niluwal
Napaikot na ng apat na beses
Ang hawak kong rosaryo kakadasal
Alam kong 'di mo pa alam ang gagawin
Huwag kang mag-alala, si Inay na ang magsisilbing
Espada't baluti sa mga mamang nakaitim
Dahil ang iyong sugat ay siyang aking mga sugat din
Kaya kamusta ka na anak?
Meron bang bumabagabag sa'yong isipan anak?
Aking papakinggan

Kumapit sa bato't nahulog sa patibong niya
Muntik malunod at malagutan ng hininga
Ako'y gumapang sa banyo't laso'y ibinuga
Nung tumingin sa salamin, sarili'y 'di na kilala
At nung nakita'y parang nag-iba
Ali ika'y tumaba, ego ko ay nauga, bumaba
Sambit nilang sa dalaga'y huwag mapariwara
Kabawasan sa pagkalalaki 'pag ika'y naluha
Ngayon 'di matiyak, ano ba talagang problema?
Sa babae, pagkalalaki o lulong sa droga?
Sa kakaisip nawalan na'ko ng gana
Tinaguan ang mundo sa pagtulog ko na lang nakikita
Inay, 'di ko ginustong mapasama
Nais ko lang mapamanhid ang matang nagluluha
At kung bumuhos man ang baha
Inay, tulong 'di ko na alam kung sa'n ako magsisimula

Ang mga huni sa bintana'y senyales ng pag-ulan
Pwede ding hudyat ng araw sa gitna ng karagatan
Gustong matanaw ang langit ngunit kadiliman
Ang bumalot sa isipan, ano ang pani

Niwalaan mo lahat ng sinasabi ko anak
Paniwalaan ang sarili mo anak
Hindi ikaw ang kamalian mo anak
Makinig ka sa ipapayo ko anak
Sige, ano na ba ang iyong nararamdaman?
Mabuti ba 'nung binahagi mo ay gumaan
Kasama sa laro ng pag-ibig ang masaktan
Maging pangaral ang mga nakaraan
Sa prinsipyo ng iba'y 'wag kang mabubuyo
'Lang ibang katulad mo, mapaalak o damo
Itaga man sa bato, panandaliang lunas lang lahat ng 'to
May buhay kang nabago nung binago ang sarili mo

Kapalaran ay laging sinusugal
Lamang sa biyaya, o lamang ka sa dasal
Aakapin ng buo ng Poong Maykapal
Babaguhin ng puso ang pagmamahal
Kung ano ang siyang nasa isip, katotohanan
Kung ano ang siyang nasa isip, katotohanan
Paulit-ulit mong sabihin dahil kung ano iyong
Iniisip siyang iyong katotohanan
Kung ano ang siyang nasa isip, katotohanan
Kung ano ang iyong iniisip, katotohanan
Kung sa ngayon ay magulo ay manalangin lang
Balang araw ang lahat ay iyong maintindihan

Kaya ngayon, ano ang iyong iniisip?
Kaya anak, ano ang iyong nasa isip?


You May Also Like
DENȲ - "Say My Name" Oh-oh, hey Hindi mo ba napapansin Kung ga'no kainit ang hangin? Hey Ako lang ba'ng nakaramdam? Sabihin Ang tensyon kumapit, hey Kalamnan ay unti-unting 'di maramdaman Natitirang konsensya, 'di na...
Loonie - "Tao Lang" Uy! si Loonie yun ah? Tara lapitan natin.. Idol FlipTop tayu.. Tara isa lang kuya.. Sige na... Parinig naman ng rap mo! sample naman d'yan Ang ganda naman ng cap mo! arbor nalang yan Ang yabang mo...
jikamarie - "lutang" Kung ako lang ang papipiliin Kung ibabalik ba ang kamay ng oras O lilipad sa hangin upang silipin ang aking hinaharap 'Di magdadalawang isip Gusto kong makausap ang sarili, hmm hmm Pero hanggang...
Jr Crown, Kath, Cyclone & Young Weezy - "Malayo Ka Man" Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan 'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa 'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man Mahal,...
DĖMI - "Silent Treatment" Yuh Dami pang gustong sabihin No (Can't get off my mind) Di sinasagot ang tawag mo Kala mo simpleng nagtatampo Naghihintay na may aminin ka 'Yoko na sanang isipin pa Uh, uh (Pwede ba na) (Di pa huli...