"Pag-Ibig Mong Kay Ganda (Sana Ito'y 'Di Mawala)" lyrics
"Pag-Ibig Mong Kay Ganda (Sana Ito'y 'Di Mawala)"
Marami na akong nakilala sa aking pag-awit
Mga tagahanga na sa 'ki'y kinikilig
Ang pag-ibig nga ba'y singtagal ng aking awit
'Pag natapos ay wala na rin?
Minsan, sa gitna ng awit natanaw kita
At biglang pumanaw ang sigawan ng madla
Do'n at do'n nalaman ko na nasa akin na
Ang pag-ibig na naiiba ah
Pag-ibig mong kay ganda
Sana ito'y 'di mawala
Pag-ibig mong kay tunay
Sa 'kin mo sana ibigay
At pagkatapos ng aking awitin sana'y manatili pa
Ang awit ng pag-ibig mo na aking nadama
'Pagkat kung 'di mananatili 'to
Ayoko nang tapusin ang kanta
Ang dulot lang ba ng pag-ibig ay kalungkutan?
Darating at aalis, bigla lang iiwan
Ganyan ba'ng pag-ibig, singtagal ng palabas
Pagdilim ng ilaw, may wakas
Pag-ibig mong kay ganda
Sana ito'y 'di mawala (Ahh)
Pag-ibig mong kay tunay
Sa 'kin mo sana ibigay (Ooh, ooh)
At pagkatapos ng aking awitin sana'y manatili pa
Ang awit ng pag-ibig mo na aking nadama
'Pagkat kung 'di mananatili 'to
Ayoko nang tapusin ang kanta
Pag-ibig mong kay ganda
Sana ito'y 'di mawala (He-he-hey)
Pag-ibig mong kay tunay
Sa 'kin mo sana ibigay (Ibigay, ibigay, ibigay)
Pag-ibig mong kay ganda (Ahh)
Sana ito'y 'di mawala
Pag-ibig mong kay tunay
Sa 'kin mo sana ibigay
- AZLyrics
- A
- APO Hiking Society Lyrics
album:
"Pagkatapos Ng Palabas" (1978)