"Saan Na Nga Ba'ng Barkada" lyrics

"Saan Na Nga Ba'ng Barkada"

Nagsimula ang lahat sa iskuwela, nagsama-samang labing-dalawa
Sa kalokohan at sa tuksuhan, hindi maawat sa isat-isa
Madalas ang istambay sa capetirya, isang barkada na kay' saya
Laging may hawak-hawak na gitara, konting udyok lamang kakanta na
Kay simple lamang ng buhay 'noon, walang mabibigat na suliranin
Problema lamang laging kulang ang datung
Saan na napunta ang panahon

Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon

Sa unang ligaw kayo'y magkasama, magkasabwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago
Oh, kay sarap ng samahang barkada
Nagkawatakan na sa kolehiyo, kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita, pagkaka-ibiga'y hindi nawala

At kung saan na napadpad ang ilan
Sa dating iskwela'y meron' ding naiwan
Meron' pa ngang mga ilang nawala na lang
Nakaka miss ang dating samahan

Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan saan na nga bang' barkada ngayon
Ilang taon din ang nakalipas, bawat isa sa ami'y tatay na
Nagsusumikap upang yumaman, at guminhawang kinabukasan
Paminsan-minsan kami'y nagkikita, mga naiwan at natira
At gaya nung araw namin sa iskwela, pag magkasama ay nagwawala

Napakahirap malimutan, ang saya ng aming samahan
Kahit lumipas na ang iilang taon, magkabarkada parin ngayon

Magkaibigan, magkaibigan magkaibigan parin ngayon
Magkaibigan, magkaibigan magkabarkada parin ngayon


Writer(s): Paredes Jaime
You May Also Like
Asin - "Balita" Lapit mga kaibigan at makinig kayo Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko Nais kong ipamahagi ang mga kwento At ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako Ang lupang pinanggalingan...
Side A - "Nais Ko" Nang makita ka'y di ko malaman, Saan ka galing, sa paroroon Nakuha mong kausapin ang aking puso Nakakulong Ilang araw, ilang buwan ang dumaan Tayo'y naging tunay na magkaibigan Kahit malayo ka'y...
Imago - "Bakit Ba Ganyan" Bakit ba ganyan, ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan ang iyong katangian Damdamin ko'y ibang-iba kapag kapiling ka, sinta Ewan ko, bakit ba ganyan, damdamin ay 'di...
Sponge Cola - "Saan Na Nga Ba'ng Barkada" Nagsimula ang lahat sa eskwela Nagsama-samang labing-dal'wa Sa kalokohan at sa tuksuhan Hindi maawat sa isa't-isa Madalas ang stambay sa cafeteria Isang barkada na kay saya Laging may hawak-hawak na...
Itchyworms - "Awit Ng Barkada" Nakasimangot ka na lang palagi Parang ikaw lang ang nagmamay-ari Ng lahat ng sama ng loob Pagmumukha mo ay hindi maipinta Nakalimutan mo na bang tumawa? Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa Kahit...