"Desperado" lyrics
"Desperado"
Daming umaasa sa dalangin
Wala namang lakas na umamin
'Di ba mas mahirap na hulihin
Ang nararamdamang isinusulat sa hangin
Kongkreto ang tapat na pag-ibig
Kinukulang lamang sa agos
At pagbigkas ng loob
Pa'no kasi ang hirap isalin
Ng katibayan na totoo ang damdamin
Talo palagi ang mahiyain
Kulang sa lalim kung pahiwatig lang
Bawat pagkakataong umamin
Nauunahan ng gapang sa bawat baitang
Desperado (desperado)
Desperado
Kahit sa guni-guni
Luging-lugi pa rin sa 'yo
Detalyado, detalyado
Ang pagmumuni-muni
Mo sa bumibitaw sa 'yo
Hindi sa 'di ko pinapahiwatig
Sadyang wala lang talagang alam
Papaano nga ba inaakit
Ang isang kaibig-ibig na
Binibini gabayan mo na lang ako
Kung handa ka na
Handa na ba
Talo palagi ang mahiyain
Kulang sa lalim kung pahiwatig lang
Bawat pagkakataong umamin
Nauunahan ng gapang sa bawat baitang
Desperado (desperado)
Desperado
Kahit sa guni-guni
Luging-lugi pa rin sa 'yo
Detalyado, detalyado
Nung kinilatis mo 'ko
Gamit lamang mga labi mo
Writer(s): Gabriel Isnani Luke, Nery Arthur
- AZLyrics
- A
- Arthur Nery Lyrics
album:
"Fictions You Produce" (2026)
You May Also Like
Wilbert Ross - "Dulo Ng Pahina" Sa unang sulyap sa 'yong mukha ay alam ko agad
Na kailangan ng pamagat ng gagawin nating kwento
Sa bawat ngiti ng 'yong mata ay nahulog ako
Sa mundong umiikot sa 'yo na para bang walang ibang tao...
Jan Roberts & shirebound - "Hingalo" (Ang basong ito ay sa iyo
Mapapawi ang iyong uhaw sa unang pagkakataon
Ang labi'ng namumutla't biyak
Ang mga matang walang tigil sa pagsiyak
Pang labing siyam na paumanhin
Pang dalawampu'y kasing...
Nobita - "Vie (Sabihin Mo Kung)" Sa-sabihin mo sa akin kung paano ang damdamin na nilumot na
Kung pilitin pang kumapit ngunit tila 'di na pwede pa
Sa iyo wari'y kay dali limutin mga alala nating dalawa
Ngayon naiwan sa kahapon kung...
Sugarcane - "Bituin" Minahal kita
Binigay ko ang lahat
Pag-ibig kong alay sa'yo
Kailanma'y 'di magbabago
Umiwas ka (Umiwas ka)
Nawalan ka ng gana
Hindi na kita mapaligaya
'Pagkat may mahal ka nang iba
Paalam na, sinta...
Rob Deniel - "Simoy" 'Di tulad ng ulap na kusang lumilisan
'Di tulad ng alon sa may dalampasigan
Ang pag-ibig ko'y 'di panandalian
'Di panandalian
Walang pagdududa, 'di ito silakbo
Tulad ng sulong saglit lang ay...