"7777-2-3" lyrics

"7777-2-3"

Sa'n ako dadalhin ng aking katawan
'Di na mahahatid sa 'king pinagmulan
Gusto nang mamanhid, 'la nang maramdaman
Mata sa salamin, utak sa kawalan

Lumilipad na naman ang isip ko
Masyado nang mainit at titirik
Agos ay hindi na tumitigil, oh
Nalulunod kahit 'di sumisid

Pa'no ba itigil 'to, 'yan na din ang tanong sa sarili
Ilan pa mabibigong pinaglalaanan ng pag-ibig
Alak sa tanghali nang maagang malasing
Kasangga damdaming ayaw sanang harapin
Masyado nang malalim 'di na kayang salagin, ahh

Dami nang pasa na kailangan gamutin
Mga karamdamang himala kung gumaling
Dumulas sa palad, inasahang dumating
Pero sinong salarin, ako din naman
Kalat ang katotohanan kahit hubaran
May tulong na dasal ngunit bakit parang
Hindi gumagana nitong mga nakaraan
Wala na bang paraan na makabalik sa dati
Hindi para meron baguhin
Bata na walang tungkulin
Gusto ko na lang maulit

Sa'n ako dadalhin ng aking katawan
'Di na mahahatid sa 'king pinagmulan
Gusto na mamanhid 'la nang maramdaman
Mata sa salamin, utak sa kawalan

Lumilipad na naman ang isip ko
Masyado nang mainit at titirik
Agos ay hindi na tumitigil, oh
Nalulunod kahit 'di sumisid

Pa'no ba itigil 'to, 'yan na din ang tanong sa sarili
Ilan pa mabibigong pinaglalaanan ng pag-ibig


Writer(s): Bernard Jose Castillano, Bj Castillano
album: "12:34" (2022)
Because - 12:34 album cover
Wow Baby
(from "Sex Games" soundtrack)
You May Also Like
ALLMO$T - "Miracle Nights" Basta sa akin ka sumama na 'Di na 'ko maghahanap pa ng iba Gabi-gabi tayo magsasaya Sayang kasi 'pag nawala ka pa 'Wag mong pansinin ang mga tumitingin Sa ating dalawa (ating dalawa) Pinana na...
Ex Battalion - "Yearly" Kada taon may bagong rasyon kahit nagbabakasyon Kada taon umaraw man o umulan ay sa'amin napapanahon Kada taon umaangat kahit hindi tumalon kada bagong taon Kada taon lamon hindi yon nagkataon dapat...
Emman - "Kung Pwede Lang" 'Di na kita nararamdaman Totoo bang nandiyan ka lang o sinabi mo lang Para nga naman gumaan mararamdaman ko sayo Umasa akong masasagutan Katanungang gumugulo sa kaisipan Sino na ang kakapitan at...
MANILA GREY - "Youth Water" I'm on something new Like every night on something new They come out to play Like every night it's someone new Yeah I'm vibin', yeah I'm good But they got somethin' to prove Me, I'm on something...
Kiyo - "Ikaw Lang" Ikaw na kaya siguro ang pangakong paraiso Naglayag sa kawalan, di huminto kahit pawis to Napansin ko sa pagibig tanga ka kahit alisto Sinangla ko pati puso daig pa ang nagcasino Kalimutan ang...