"Diablo" lyrics

Because, Pio Balbuena, Cean Jr., Drizzy Ace Lyrics

"Diablo"
(from "Sitio Diablo" soundtrack)

'Wag n'yong kantiin kasi nga ako ay
'Wag n'yong kantiin kasi nga ako ay

Kasi nga ako ay galing pa sa ilalim at hinanap ang kapalaran
Iba ang aking dinaanan bugbog dahil 'di kapatagan
Kaya bawat maling galaw mo sa 'kin dapat mong pagbayaran
Aking pwesto ay pinaglaban kaya 'di ko papabayaan
Kaya subukan mo 'kong maliin siguradong tatamaan ka
'Di mo na pwede na maliitin sa 'king laki tatapakan ka
Pilit na 'ko nagbabago ang kaso mukhang may mga 'di nagtatanda
Bata pa lang pumapalag na kaya tumanda

Dati may ugaling masama 'wag antayin na ibalik
Sa loob ang kulo tatanggalin na ang takip
Lagay ko 'di maganda 'pag masama na ang tingin
Kaya 'di n'yo 'to dapat na kantiin

Kasi nga ako ay diablo
Ulo may dalawang patusok (ako ay diablo)
'Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod

Ako ay diablo
Ulo may dalawang patusok (ako ay diablo)
'Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod

Kala mo mabait parang hindi nangangagat
Nakatahimik na lang sa gilid at palihim na lang na papalag
Sanay sa init at sa lapag tinatawanan ko lang lahat
Pa'no mo 'ko dedemonyohin eh ako 'yon kaya't hindi na 'yan tatalab

Dami d'yang mga bulong-bulungan
Walang alam pero runong-runungan
Lumayo kayo dugo ko ay kumukulo lang
Tunay na nakakatakot na yumuyuko lang
Masama nila 'ko na tinititigan
Inaapakan ngumingiti lang
'Wag mo na 'kong susubukan
Kasi minsan 'di ko na napipigilan
Pagka lumabas ang mga sungay
Lalo pa 'ko nagiging mahusay
Nasanay na sa madilim ang kulay
Yung mga naranasan ko na yung nagpatunay
Mabait na tao masamang kaaway
Nasanay na 'ko na walang karamay
Impyerno ba 'to ginawa kong bahay
Ako yung diablo na gusto mong katagay

Dati may ugaling masama 'wag antayin na ibalik
Sa loob ang kulo tatanggalin na ang takip
Lagay ko 'di maganda 'pag masama na ang tingin
Kaya 'di n'yo 'to dapat na kantiin

Kasi nga ako ay diablo
Ulo may dalawang patusok (ako ay diablo)
'Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod

Ako ay diablo
Ulo may dalawang patusok (ako ay diablo)
'Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod

Mga kamay ko magkadikit
Mga mata ko nakapikit
Nagdadasal habang nanginginig
Nagtatanong kung nadidinig mo ba 'ko, Panginoon
Baka pwede na manalo 'ko sakaling mabigo at matatalo
Sige lang basta 'wag mo 'ko hahayaang lumabas tunay na pagkatao

Sabi sa 'kin bata pa'no mo nagagawang baguhin 'yong sarili mo
Eh halos patayin ka na ng mga kasabayan mo
Ako eto naglalakad habang nakayuko
Malamang madami ang nagtatanong pa'no ka nakatawid
Samantalang mas madami yung dapat makarating
Hinayaan ang madla para mag-isip
Nanatili na sarado lang ang bibig
Nanatili na kalmado sa tag-init
Lagi nakapikit kahit na bumalik
Nanatiling batukan kahit masakit
'Di mo gugustuhin na ako ay aningin
Merong sa demonyo si Drizzy
Takbo at 'wag ka nang titigil
'Di mapipigil, gigil mga ngipin

'Wag n'yong kantiin kasi nga ako ay
'Wag n'yong kantiin kasi nga ako ay

'Wag subukan baliwin, baliwin
'Wag subukang aningin magdidilim yung paningin
'Wag na 'wag kang titingin sa salamin
May halimaw sa likod may hawak na patalim

Diablo
Ulo may dalawang patusok (ako ay diablo)
'Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod

Ako ay diablo
Ulo may dalawang patusok (ako ay diablo)
'Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod
Ako ay


You May Also Like
JaMill - "Tayo Hanggang Dulo" Magkaibang mundo pinagtagpo Tinadhana kahit na magkalayo Kay layo ng pinagmulan Pinaglapit ng pagmamahalan At nagkaibigan Mahal kita, mahal mo rin ako Habambuhay na ito, dasal ko sa kanya Ikaw ang...
Geo Ong - "Don Angelo" Elementarya pa lang ako na madalas na makatsyawan pagkat isa Ako sa mga walang wala sa paaralan pumapasok na walang kain May bitbit pang mga pasanin habang suot uniporme kong dalawang araw ng...
Loonie & Hiphop 22 - "Isang Jeep" Iba't ibang klase, iba't ibang trip Iba't ibang biyahe, iisang jeep Siksikan masyado Ihing-ihi pa baka di na umabot sa banyo Bahala na kung maihi ka sa brip Tiis lang saglit kasi ilang pikit nalang...
Smugglaz - "Walking Distance" Walking distance lang Pangarap ko na noong maliit pa kung sino ako paglaki Kaya nagbilang pa'ko ng ilang umaga at gabi Bago ako umabot sa'king tinatapakan Aking pinagdaanan ay hindi naging madali...
LANY - "good guys" I wanna call you up Tell you how I feel But I might scare you away if I get too real So I won't text back For a couple hours What I really wanna do is Bring you flowers I'm not gonna hold your hand...