"Walking Distance" lyrics

"Walking Distance"
(feat. Ashley Gosiengfiao)

Walking distance lang

Pangarap ko na noong maliit pa kung sino ako paglaki
Kaya nagbilang pa'ko ng ilang umaga at gabi
Bago ako umabot sa'king tinatapakan
Aking pinagdaanan ay hindi naging madali kasi
Tila simputik ng Divisoria ang guhit ng aking istorya
Sa ginampanan kong papel na bumago sa'king pagkatao
Bawat hakbang sa daan parang hagdan-hagdang palayang
Kung tinaniman ko ng sanhing nagbunga ng maraming pagbabago

Nangapa ko sa dilim kung saan halos pikit mata ako
Na namulat sa makabulag na mundong dikit na sa
Pangalan ko ang lugar kung saan ko sinimulan
Ang mga ipinagpatuloy na hindi ko hinintuan
Mula sa kanto ng Delpan hanggang sa buong mundo
Sa bawat kurdon ng mic, mapadaloy ang pagkadugong tondo
Sa 'king ugat ay isa lang naman sa'king mga hangad
Na ang katuparang sana'y makasalubong sa paglalakad

Naglakbay, taglay ang talento n'yang bigay
Nagpakapasaway kung saan tahimik nag-ingay ako
Hanggang makilalang taga sa'min na dating pambato
Na umalis nawala naglayas
Nag-lakad hanggang sa maging pandayo-blada

Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad
Lakad, Lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad
Sige, lakad lang kahit ikaw na lang mag-isa
'Wag mo sabayan ang alon, ikaw ang magdikta
Salungatin, anumang dumating, basta 'wag hihinto sa lakad
Kahit aking uliting ukitin muli mga guhit ko sa palad

(Sige, lakad lang) Makulay man ang mundo'y ginawa ko lang puti't itim
Ang pagtingin ko na mapansin ko ang liwanag at dilim
Sa bawat anggulo ng buhay, 'di man ma-explica
Ang larawan ng kinabukasan, mas lalong na-inspira
Na i-balanse ang mga aral at leksyon na nakatago
Sa mga naranasan kong masama't mabuting magkahalo
Naligaw na'ko, nawala hanggang natutong lumugar
Pati patong tumaya, 'di man marunong sumugal

Mas nilakihan pa ang mga paghakbang tungo sa katuparan
Sa daan kahit pa na maraming hadlang sa'king kinamulatang lakaran ay
Hindi pa din nawalan ng gana o nawalan ng pag-asa na sana madala ng tsamba
Ang tsansa na magising sa panaginip na aking dala-bago
Natutunang lumakad, tumayo sa aking sariling paa
Kahit na natapilok, natisod, nadapa ay pinanghawakan
Ang makatungtong ng tugatog ng walang tinatapakan na iba

Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad
Lakad, Lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad
Sige, lakad lang kahit ikaw na lang mag-isa
'Wag mo sabayan ang alon, ikaw ang magdikta
Salungatin, anumang dumating, basta 'wag hihinto sa lakad
Kahit aking uliting ukitin muli mga guhit ko sa palad
Sige, lakad lang (sige, lakad lang)

(Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad)
Sige, lakad lang (lakad lang nang lakad, lakad lang nang lakad, sige lang, lakad)
Hmm, pa-pa-pa-pa-pararap (sige lang, lakad)
Pa-pa-pa-pa-pararap ('wag kang titigil)
Hmm, pa-pa-pa-pa-pararap (sige lang, lakad)
Pa-pa-pa-pa-pararap (ano man ang humadlang)

Hanggang sa mapanood na'ko sa aking naging tugon
Ng mga dalangin ko noon na tinupad ng Panginoon
Nakuha na makuntento ngunit hindi na kampante
Kaya bilang pakunswelo, patuloy akong umabante
'Pagkat simula pa lang ng tunay na laro
Nakabwelo na'ko kung kailangan mang mamuhay palayo
Titiyaking may puntahan ang mga iiwan kong yapak
Na susundan balang araw sa'kin ng aking anak

Mga pintuang pinasukan, bubong na sinilungan
Mga taong tinulungan ako sa gitna ng ulan
Ang pasasalamat ko'y ituring n'yong bahaghari
Na mag dudugtong sa patutunguhan ko sa'king pinagmulan
At sa mga duda sa'kin na pinatunayan
Na walang bida sa pelikulang 'di hinamak sa umpisa
Anumang layo ng mga pangarap ko sa buhay
Ang daan papunta doon ay para sa'kin

Walking distance lang (lang, lang, lang)


Thanks to Dhondy Castillano for adding these lyrics.
Writer(s): Bryan Lao
You May Also Like
Ron Henley - "Platito" Mga mahiyaing nilalang sa higanteng mga bulak Nandyan lang sa paligid ayaw pang manga-usap Mga imahe payat ngunit ang laki ng utak Nag-iwan ng markang palaisipan ng sulat Ako ay nagmasid mula hilaga...
Daniel Padilla - "Pangako Sa'yo" Noon akala ko Ang wagas na pag-ibig Ay sa nobela lang Matatagpuan At para bang kay hirap Na paniwalaan Ikaw, ikaw pala Ang hinihintay kong pangarap Ngayong kapiling ka At tayo'y iisa Hindi ko...
Stick Figgas - "Lamanloob" Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko Malamang akoy mapapagkamalang walang pusong nilalang Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko Mukhang akoy magmimistulang may turilyong kulang at mangmang...
JRoa - "Need You" I just want your body baby lika na Di na ako galit baby uwi kana Hinihintay kita dito kanina pa I just want your body right na na na I just want your body, body, body I just want your body on me, on...
Stephen Speaks - "Passenger Seat" I look at her and have to smile As we go driving for a while Her hair blowing in the open window of my car And as we go the traffic lights And as we go I see the lights Watch them glimmer in her...