"Paglipad" lyrics

"Paglipad"
(feat. Gloc-9)

Alam mo naman
Na di mo na kailangan na dayain ang sarili mo
Mga pakpak mo ay ibuka mo lamang abutin ang pangarap mo
Lumipad sa alapaap
At humiga sa mga ulap ulap
Maging malakas ka sa mga humahatak at mga pabigat sa pag-angat

Basta mag tiwala sa sarili
Huwag kang maniwalang imposible
Wag kang umatras puro abante
Hanggang ang maliit maging higante

Huwag kang matatakot na magkamali
Minsan man ma'y nadadapa bumabangon muli
Lumuha man o masaktan tuloy ang laban
Sa bandang huli ang tagumpay ay makakamit

Maraming pagkakataon nasasayang ang panahon
Kung katulad kahapon di pa rin maka-ahon lumabas ka sa iyong kahon
At lumipad sa alapaap
Humiga sa mga ulap
Maging malakas sa mga humahatak
Mga pabigat sa pag angat

Basta mag tiwala sa sarili
Huwag kang maniwalang imposible
Huwag kang umatras puro abante
Hanggang ang maliit maging higante

Huwag kang matatakot na magkamali
Minsan man may nadadapa bumabangon muli
Lumuha man o masaktan tuloy ang laban
Sa bandang huli ang tagumpay ay makakamit

Tandaan mo lamang ang sinabi ko sayo walang iba kundi ikaw
Sino man ay walang gigiba nito matatalo ka lang pag umayaw
Pilitin mang kalabugin
Ani mo ay bulukin
Huwag mo lamang pansinin laban
Tapos gapos mo ay kalagin
Dunong ay palaguin
Ikaw ang aani ng yaman
Isang bata na kapos
Pero ang bulsa ay puno ng pangarap na handa nyang tayaan
Di baleng mag hikahos sya'y makikipag sabayan
Mananalo kahit pa may dayaan
Di ko sasabihin to kung di ko to dinaanan isipin mo
Ang lahat ng mga payo at binilin ko
Upang hindi ka na matibo sa mga bubog na to pero

Huwag kang matatakot na magkamali
Minsan man may nadadapa bumabangon muli
Lumuha man o masaktan tuloy ang laban
Sa bandang huli ang tagumpay ay makakamit
Ay makakamit
Ay makakamit
Ay makakamit


You May Also Like
Kiyo - "Ikaw Lang" Ikaw na kaya siguro ang pangakong paraiso Naglayag sa kawalan, di huminto kahit pawis to Napansin ko sa pagibig tanga ka kahit alisto Sinangla ko pati puso daig pa ang nagcasino Kalimutan ang...
CLR - "Rest Day" Ramdam ko ang Mapayapa na umaga Mula noong hatinggabi Alas-dose na no'ng nagising sa kama Nagsimula ng sumindi Panatag, banayad, kalmado ang araw Lubusin hangang ang saya'y umaapaw Habang libre pa...
Yayoi, Yosso & Lopau - "Baka Di Tayo" Teka Muna Pwedeng pakinggan mo muna Wag mo muna 'ko na sabayan Kase lalo lang lalabo ang paliwanagan Pa'no pa sisimulan kung matatapos na Masisisi mo ba kung napapagod na Kahit na mahal kita hindi...
Jr Crown, Kath, Cyclone & Young Weezy - "Malayo Ka Man" Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan 'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa 'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man Mahal,...
Ron Henley - "Alaala" Tandang-tanda ko pang abot-langit ang saya Kapag kasama ka kaso lang wala ka na Kung minsan ako'y napapadaan Sa lugar na kung saan, una tayong nagkaunawaan Naaalala ko pa n'ung tayo'y Hayskul pa San...