"Estranghero" lyrics

"Estranghero"

'Di na alam kung ba't na ganito
Mga kilos ay nagbago
Pipilitin pa ba o kusang lalayo
Sa puso mong nanlalabo

Ang dating alam, panaginip na lang
Mga sana'y 'di mabilang
Hinahanap-hanap tamis ng nakaraan
Ba't tinatalikuran

Ako ay litong-lito
Saan ba ito patungo
'Di ko na alam kung dapat bang ihinto
'Di alam ang sasabihin
'Di alam ang aking gagawin
Kung mananatili sa 'yo
Minamahal kong estranghero

Lagi na lang akong nangangapa
'Di na kita matimpla
Hanggang dito na lang ba tayong dalawa
Pupunta na lang ba sa wala

Ako ay litong-lito
Saan ba ito patungo
'Di ko na alam kung dapat bang ihinto
'Di alam ang sasabihin
'Di alam ang aking gagawin
Kung mananatili sa 'yo
Minamahal kong estranghero

'Di man lang nagsabi biglang umalis
Kasama ka ngunit ba't nangungulila pa rin
'Di mapinta ang nadarama
Ang anino mo'y 'di na makilala

Kahit na litong-lito
Sa iyo pa rin tutungo
'Di man sigurado, 'di pa rin hihinto
Isa lang ang sasabihin
Isa lang ang aking gagawin
Muli kitang kikilalanin
Minamahal kong estranghero


Writer(s): Vixen Gareza, Raphaell Ridao, Edgar Bernardino, Redentor Ridao, Raphael Severino
EP: "Patutunguhan" (2023)
Cup Of Joe - Patutunguhan EP cover
Mananatili
(from "Breathe Again" soundtrack)
You May Also Like
Arthur Miguel - "paraiso" 'Di ko maintindihan Aking nararamdaman Hinihintay nalang Mga oras ay lumipas 'Di alam ang gagawin Para bang may kulang sakin Ano nga ba ito? Ako ay nalilito Tila lumulutang Sa dagat na walang...
IV Of Spades - "My Juliana" My Juliana I promise that I'll never come back When the sky hides the sun You'll never see my heart on a string With your broken ring Sitting on the corner Waiting to discover If your eyes would see...
Lola Amour - "Please Don't Leave" Please don't leave me, baby I don't wanna be alone But if you leave me, baby I'll have no one here at home You remind me of the summertime But sadly that's all i have But maybe in another life I...
Syd Hartha - "kung nag-aatubili" Isa, dalawa Ika'y umiwas na, sinta Ito ay isang babala Babala Tatlo, apat Ikaw ay dapat mag-ingat 'Wag ibigay ang iyong lahat Mag-ingat 'Di mauunawaan ang nililihim ko Basahin mo ako, yakapin ang...
Munimuni - "Tahanan" Hanggang dito na lamang Ang iyong mga luha Tama na Tahan na Hihilumin Ang iyong mga sugat Pighati'y Wakas na Mga himig na inilaan sa'yo Kunin at ibaon sa puso mo Bagong araw ay paparating Hintayin...